Maagang umuwi mula sa academy nila si Zendaya. Sa ngayon ay ang driver lang ang sumundo sa kanya. Dati naman kahit ayaw niya, laging naroon si Cyan na ikinaiinis niya.But now, she's happy that Cyan isn't around pero maya-maya lang ay napasimangot siya. Hindi man siya nito sinundo ngayon, sigurado siyang nag-aabang na ito sa mansion para pilitin na naman siyang kainin ang mga binibake nitong cookies.Masarap naman ang mga iyon but her Tita Laureen doesn't like her eating what Cyan bakes. At ayaw naman niyang malungkot ang Tita Laureen niya kaya itinatapon niya ang mga gawa ni Cyan o di kaya ay hindi niya kinakain.Pagdating niya sa mansion, tahimik na bulwagan ang bumungad sa kanya. Walang Cyan na nag-aabang sa pintuan na ipinagpasalamat niya. Dumiretso siya sa kanyang silid at nagbihis bago siya naglaro. "Miss Zendaya, wala ka bang homework ngayon?"Mula sa kanyang mga barbie dolls, napalingon siya sa may pintuan kung saan nakatayo na si Manang Silva. Hindi niya maiwasang mapairap.
Last Updated : 2025-08-06 Read more