"Magandang gabi po Ma'am Cyan, Sir Zach!" Nagagalak na bati ni Manang Silva pagdating nila."Magandang gabi din po, Manang," masayang tugon ni Cyan sa babae."Natutuwa po akong makita kayo ulit. Naghanda na po ako ng hapunan para sa inyo," ani ng babae."Thank you, Manang," ani Zach at iginiya siya papuntang dining table.Matapos nilang maghapunan, naunang umakyat si Cyan habang si Zach naman ay kinausap ang mga security guards na siyang nagbabantay ng mansion habang wala siya."Is there anyone suspicious lurking around while I'm away?" Tanong niya."Wala naman po, Sir bukod kay Miss Laureen Dela Cruz," tugon ng head security."Laureen?""Opo, Sir," patango nitong sagot. "Lagi po siyang dumadaan dito para magtanong kung nakabalik na kayo."Napatango-tango siya. It seemed like Laureen didn't understand the depth of their last conversation. Hindi niya alam kung hanggang kailan mananatiling ganun ang babae."Okay. You are dismissed," aniya at napagpasyahan ng umakyat sa silid nila ni Cya
Huling Na-update : 2025-12-03 Magbasa pa