Bumungad kay Roberto sina Cyan at Zach na magkahawak ang mga kamay nang makarating sa balkonahe. Matiim niyang tinitigan si Zach subalit hindi talaga nito binitawan ang kamay ng kanyang anak hanggang sa maupo nalang ang mga ito sa harapan niya."Gusto niyo daw po kaming makausap, Pa," panimula ni Zach bago sinulyapan si Cyan.Tumikhim si Roberto bago siya nagsalita. "Well, mula ng makabalik kayo dito, I can already sense that you two already get back with each other. Halata din naman sa mga kilos ninyo.""Totoo po yun, Pa. Cyan decided to give me a chance to try once again and fix our relationship," sagot no Zach.Napatango-tango si Roberto bago ibinaling ang atensyon kay Cyan. "So? Is this really your final decision?"Matapang namang tumango si Cyan. "Opo, Pa. Balak po naming ayusin ni Zach ang pagsasama namin.""Kung ganun, wala naman akong tutol sa desisyon ninyong iyan. But I'm your father, Cyan. Ngayon palang ako bumabawi sayo. All I want is your happiness. At gusto kong wala kan
Terakhir Diperbarui : 2025-12-09 Baca selengkapnya