Nagulat ang mag-asawa sa pinagsasabi ni Elmer. Naririnig din nila ang ingay na nagmumula sa kanilang munting bahay habang nasa gitna na sila ng damuhan may kalayuan sa tinitirhan nila."Ano ba talagang nangyayari, Elmer? Saka bakit kailangan naming puntahan si Ma'am Cyan? Sino ba ang mga may-ari ng sasakyan na dumating?" Umiiyak na tanong ni Elsa.Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang kasama si Lito at Elmer. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya may nakaambang panganib sa buhay nila.Humugot ng hangin si Elmer bago mahigpit na hinawakan ang ginang. "Malaki po ang pasasalamat ko na kinupkop niyo ako, Tiya, Tiyo. Kung sakali man na hindi na tayo magkita ulit, tandaan niyo pong sa panahon na nakasama ko kayo, napamahal na po ako sa inyo."Sa pagkakataong iyon ay niyakap na siya ng mahigpit ng mag-asawa. Subalit kahit gaano pa niya kagustong manatili sa tabi ng mga ito, natatanaw niyang hahabulin na sila ng mga tauhan ni Laureen at Orlando."Wala na po tayong panahon, Tiya, T
Last Updated : 2025-12-12 Read more