TBBNHW 203Matapos ang ilang minuto sa harap ng NICU, mabigat ang mga hakbang na tinahak ni Zeus ang hallway patungo sa room ni Psyche. Pagdating niya sa tapat ng pinto, nakita niya si Thomas at Perseus na kalalabas lang. Parehong madilim ang timpla ng mukha ng dalawa, pero sa pagkakataong ito, wala nang suntukang nangyari."She’s awake," malamig na bungad ni Thomas. "But don't you dare stress her out, Zeus. Wala akong pakialam kahit kakampi mo pa ang Swiss government! Isang maling salita mo lang, ipapakaladkad kita sa mga security ko pabalik ng Pilipinas. Are we clear?"Tumango lang si Zeus, hindi na nagawang sumagot dahil sa halo-halong emosyon. Nang makapasok siya, bumungad sa kanya ang amoy ng ospital."Zeus..." halos pabulong na wika ni Psyche. Walang galit sa boses nito, kundi purong pagod."I'm here, Psyche. I'm so sorry," agad na lumuhod si Zeus sa gilid ng kama at maingat na kinuha ang kamay ng asawa. Idinampi niya ito sa kanyang noo, hinahayaang pumatak ang kanyang mga luha
Read More