HINDI sa loob ng sasakyan natapos ang pag-iisa ng katawan ni Erin at Tyler. Matapos nilang magising ay dumiretso na sila sa loob. Wala pa ring pinagbago, ganoon pa rin n'ong hindi pa siya umaalis. Isa-isa niyang pinagmamasdan ang mga gamit, mula sa sa sofa, dalawang cabinet nasa sala, ang chandelier. Nahinto ang pag-iisa-isa sa gamit niya nang magsalita ito."Gusto mo bang magpahinga muna habang nagluluto ako ng makakain natin?" Napangiti siya. "Hindi ko alam na ang isang Tyler Samaniego ay marunong pala sa kusina.""And who said I can't cook for you? FYI, Ms. Del Carmen, when I was alone, I learned how to cook--" Hinalikan niya si Tyler sa labi, kaya nakamulagat na huminto ito. Tila walang anumang nangyari umupo siya sa sofa, pinag-ekis ang binti."Go na, mahal. Ipagluto mo na ako. Nagugutom na ako," ani pa niya, hindi binigyan ng pansin ang pagbuka ng bibig nito, halatang nagulat sa ginawa niya."M-mahal..." Nabubulol ito. Humakbang palapit sa kaniya. "What?"Sinalubong niya ang
Read more