WALA na si Tyler pero nanatili pa ring nakabuka ang bibig ni Erin. Hindi makapaniwala sa narinig, maging si Carla ay hindi rin nakakilos. Paanong nakilala nito ang kaibigan niya? "Nananaginip ba ako?" tulalang tanong ng kaibigan niya. Dahan-dahan itong lumingon sa kaniya. "Kurutin mo nga ako, Carla," suhestyon niya. "Ako rin," segunda nito. Nagkatitigan sila, pero wala nang masabi. Marahan siyang tumayo, balak sanang sundan si Tyler. Nang malapit na sa bukana ng pinto ay pumasok si Jelyn, dala nito ang hinihingi niyang mangga. "Heto na po, Seniorita," sabi pa nito, inilapit pa ang dala sa harapan niya. Biglang kumislap ang kaniyang mata. Nang dahil doon, pansamantalang nakalimutan niya ang tungkol kay Tyler. Bumalik siya sa tabi ni Carla, siya na ang nagdala ng pagkain. "Gusto mo?" "Mangga?" "Kailan ka pa nahilig kumain ng maasim?" "Simula n'ong naglihi ako," nangingiting tugon niya. Isinawsaw ang isang hiwa ng mangga sa dressing at saka'y isinubo ito. "Eewww!" "A
Read more