NAKATAYO si Erin sa glass window. Natatanaw ang ilang matatayog na building, sa ibaba ay makikita ang mga sasakyan, mga taong paroo't parito. Lahat ay abala, pero siya, heto't hindi alam kung ano ang gagawin. Kanina sa meeting, hindi na nakapagsalita si Tyler. Lumabas na lang ito sa conference room, walang imik. Ang kapatid nito'y ganoon din, tumatawa habang lumalabas kasama si Katrina. Nagsasaya sa pagkatalo ng kapatid. "Good job, Erin!" nasabi pa nito at nag-thumbs up sa kaniya. Samantalang si Katrina, bagama't walang lumalabas sa bibig, mapanuring nakatitig lang sa kaniya. Daig pa niya ang hinuhubaran sa titig nito, lampas hanggang kaluluwa. At ngayon, kasalukuyan siyang nasa opisina ni Tyler. Sinusuri ang tanawing nakahain sa kaniyang paningin. Matataas ang mga building na nasa paligid, malayong-malayo sa lugar na kinalakihan. Doon maliban sa kanilang mansyon, mga punong kahoy lamang ang mataas. Dito, nagkalat ang sasakyan at mga tao, doon mga pananim at hayop lamang ang naka
Read more