ログインpasensiya na po kung pa-isa-isang chapter lang ang naisusulat ko.
NAGISING si Erin, nasa tabi niya si Tyler. Hindi pa siya napapansin, halatang malalim ang iniisip. Pinakatitigan niya ang mukha ng lalaki. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapulang labi... in short, perfect! Pero, anong ginagawa nito sa tabi niya? Bakit ito ang nagbabantay sa kaniya. Nasaan ang ina nito? Nag-angat ito ng paningin at napatitig sa kaniya. Walang nais magsalita sa kanila, pero bakas sa mata nito ang pagkagulat. Kahit man siya'y nagulat din, hindi makapaniwalang nasa tabi niya ito. Naagaw ang atensyon niya nang may nagsalita. Lumapit sa kaniy ang nurse. Tsinek ang kaniyang katawan, maging ang dextrose na nakasabit sa stand. May ilang katanungan din ito. Okay naman na siya. Walang masakit at naaalala niya kung sino siya, hindi tulad ng lalaking nasa harapan niya. Matapos maaksidente ay hindi na siya naalala. "Ahm, nurse ang baby ko? Kumusta siya?" Nanaginip siyang sinabi ng nurse sa kaniya na wala na ang baby niya, pero hindi siya naniwala. Panaginip lang 'yo
PRENTENG nakaupo si Tyler sa bangkong yari sa plastic. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Erin. Walang kamalay-malay sa sigalot na naganap. Lihim siyang napapangiti sa tuwing pumapasok sa isipan ang huling sinabi ng ina kay Katrina. Walang bahid ng pagpapaawa ang naaninag niyang takot sa mata nito. Nawalan ng salita si Victor, nawala rin ang kayabangan nito. Ngayon ay mag-isa na lamang siya, hinihintay na muling magkamalay ang babaeng minamahal. Ang kapatid niya at nobya nito'y sumunod sa ina at nakatitiyak siya na patuloy na magsesermon ito sa dalawa. Tumayo siya't lumapit sa babaeng nahihimbing. Ginagap ang palad , masuyong hinaplos at saka'y hinagkan yun. Alam niyang kapag nagising ito'y magagalit ito sa kaniya, pero tatanggapin niya ang lahat ng ibabatong salita nito. Nang mga panahong wala siyang maalala, hindi ito umalis sa tabi niya, hindi siya iniwan kahit sinisigawan na niya. "I'm sorry, mahal. Sorry sa lahat-lahat ng pagkakamali kong nagawa sa 'yo."Ngayo
"SORRY..."Mabilis na lumuhod si Katrina sa harapan ni Tyler. Nagsimula itong tumangis. Nagmakaawang patawarin na niya, ang mukha'y parang isang anghel na nahulog sa lupa.Subalit, hindi niya maramdaman ang pagsisisi nito. Angel man ang mukha nito , pero sa likod n'on ay nagtatago ang makamandag na ahas, anumang oras ay puwedeng manuklaw. Mabilis siyang yumukod, inapuhap ang panga nito. Mahigpit ang hawak niya, yung tipong walang makakabuwag sa pagkakapit niya, kahit hangin ay hindi makalulusot."Patawad?" Nanlisik ang kaniyang mata. "When I woke up in the hospital... na wala ang alaala, sa harap mismo ni Erin, nagkaroon ka ba ng awa nang nagawa mong magsinungaling? Nagkaroon ka ba ng katiting na awa nang sabihin mo sa kaniya na nagkabalikan na tayo? Nagkaroon ka ba ng awa nang walang habas mong itulak siya sa hagdan? You didn't even think about her condition!" sunod-sunod niyang sabi rito. Halos bumaon na ang daliri niya sa panga nito dahil sa pagkakahawak niya.Si Victor ay hindi si
NAGNGANGALIT ang bagang ni Tyler, ang mata niya'y matalim ang titig sa dalawang sinisermunan ng ina. Si Katrina, napakasinungaling talaga nito. Napakagaling magdrama. Magaling magpaawa. At si Victor, ang kapatid niyang suwapang. Sinasabi nitong hindi na siya ang nagmamay-ari ng Green Ivory, ang negosyong pinapalago niya nang ilang taon. Lihim siyang ngumisi. Akala yata ng kapatid niya'y ganoon lang kadali nitong makuha ang negosyong itinataguyod niya, at mabuti na lang dahil bumalik na ang alaala niya. "Mahal..." Isa ang salitang 'yan sa nagpabalik sa nawala niyang alaala at marahil sa dugo na rin ni Erin. Kanina, habang papunta sila dito sa hospital, doon bumalik ang nawalang alaala niya. "Tyler!" Bumaling ang paningin niya sa ina. Wala na ang galit doon. "Yes, Ma?" Hindi pa man tuluyang nakakasagot ang kaniyang ina ay humahangos na pumasok ang nurse. "Ma'am, Sir, gising na po ang pasyente sa kabilang room, pero nagwawala po ito." Nakabahad ang matinding takot sa mukha ng babae
PINAGMAMASDAN ni Tyler ang walang malay na si Erin. Ang kaniyang ina ay nasa kabilang silid lamang. Tumaas ang blood pressure nito at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinaaalam sa ama ang nangyari. Alam niya na malulumbay ang dalaga kapag nagkamalay ito, 'pag nalaman na wala na ang kanilang anak. Baka nga'y magalit pa sa kaniya. "Sigurado 'yan," anas ng isipan niya. Itinaas niya ang paningin, ilang beses na kinurap ang mata. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari, kung sana'y pinakinggan niya ang sinabi nito tungkol sa Green Ivory, hindi sana agad ito aalis. Hindi sana nito makakasalubong si Katrina. Dumilim ang anyo niya nang maalala ang sinabi nito. Nagdesisyon siyang iwan muna si Erin, hahanapin niya si Katrina. Ramdam niyang pawang kasinungalingan ang sinabi nito. Pumasok siya sa silid ng ina, nakita niya roon si Victor at ang babaeng hinahanap niya. Halos isahing hakbang na niya ang pagpasok para lang makaharap ito. "Katrina!" "T-Tyler..." Nanlilisik ang
"KATRINA..." Naglalakad na sa labas ng silid si Tyler, balak niyang tanungin si Erin hinggil sa sinabi nito, nang biglang makarinig siya ng pagsigaw. Nagdumali siyang nagtungo sa hagdan dahil doob nanggaling ang sigaw. Mula sa ibaba, tanaw niya ang dalaga, nakahandusay sa sahig. Si Katrina, nakatayo lang sa baitang ng hagdan. "Ang baby ko..." Mahina man ang boses ni Erin dahil nasa ibaba ito pero sapat na para maintindihan niya ang sinabi nito. Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan nito, hindi alintana ang baitang-baitang na hagdan paibaba. "T-Tyler..." narinig niyang sabi ni Katrina nang maparaan siya sa kinatatayuan nito. Hindi niya pinansin, mas lalo siyang nagmadali paibaba. Pansin agad niyang namimilipit sa sakit si Erin. Ang luha nitong umaagos, ang pagdaing nito... parang may kung anong lumalakumos sa puso niya. Gusto niyang magalit kahit hindi alam kung bakit."E-Erin," tawag niya rito. Halatang nahihirapan ito nang tumingin sa kaniya. "Ang baby ko, iligtas mo siya. An
MATALIM ang tinging ipinupukol ni Tyler sa kapatid. Hindi niya akalaing tatawagin nitong cheap si Erin, sa harapan pa mismo ng kaniyang ina. "Hiyang-hiya naman ako sa inyo, Victor," ngising saad niya. Nakalimutan na yata nito ang kasalanang nagawa at kung makaasta ay parang santo. Ngumisi rin ito
Pagkatapos niyang maligo ay inihatid na sila nito sa bar. Nagpaalam na rin ito sa kaniya pero nangakong susunduin sila sa oras ng out nila kahit pinagsabihan na niyang magahinga na lamang. Nang magsimula itong manligaw sa kaniya, hindi na ito gasinong umiinom. Pero tumatambay pa rin to sa bar. Na
Dalawang buwan ang lumipas, ganoon pa rin si Tyler. Mas naging close sila. Hatid-sundo siya sa bar na pinapasukan. Pero hindi na niya ito gasinong pinatatambay doon, pinauuwi na na niya ito para makapagpahinga. Imagine, pagkalabas sa opisina ay dederitso ito sa tinutuluyan para ihatid naman sila sa
TULALA si Erin. Pakiramdam niya'y nakalutang sa hangin ang kaniyang isipan. Isang linggo nang pumupunta sa boarding house si Tyler, hinahatid sila sa bar at hinihintay na makalabas at ihahatid sa boarding house. Mukhang desidido ito sa panliligaw, at dahil sa kaibigan niyang saksakan ng tabil ang d







