共有

Mistake 64

作者: Writer Zai
last update 公開日: 2026-04-16 22:15:30
"BAKLA...."

Kahit nakatalikod, kilalang-kilala ni Erin ang kaibigan. Mabuti na lamang hindi niya nalilimutan ang address ng tiyahin nito. Mabilis na napalingon si Carla. May hawak itong malaking planggana.

"Bakla ka..."

Tumakbo ito palapit sa kaniya. Agad yumakap sa kaniya habang umaatungal ng iyak. Gumanti siya ng yakap dito.

"Na-miss kita, bakla!"

Kumalas ito sa pagkakatakap sa kaniya. "Ang daya mo!"sabi nitong nahihiwit ang labi at naluluha na.

Dahil sa hitsura nito'y hindi ni
Writer Zai

Sabaw ang update ko ngayon...

| 3
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Jaslly Parana
Ayaw mong umalis d mgtiis ka.grabng katangahan na yan Erin..thank you Ms A.
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 79

    NAGISING si Erin, nasa tabi niya si Tyler. Hindi pa siya napapansin, halatang malalim ang iniisip. Pinakatitigan niya ang mukha ng lalaki. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapulang labi... in short, perfect! Pero, anong ginagawa nito sa tabi niya? Bakit ito ang nagbabantay sa kaniya. Nasaan ang ina nito? Nag-angat ito ng paningin at napatitig sa kaniya. Walang nais magsalita sa kanila, pero bakas sa mata nito ang pagkagulat. Kahit man siya'y nagulat din, hindi makapaniwalang nasa tabi niya ito. Naagaw ang atensyon niya nang may nagsalita. Lumapit sa kaniy ang nurse. Tsinek ang kaniyang katawan, maging ang dextrose na nakasabit sa stand. May ilang katanungan din ito. Okay naman na siya. Walang masakit at naaalala niya kung sino siya, hindi tulad ng lalaking nasa harapan niya. Matapos maaksidente ay hindi na siya naalala. "Ahm, nurse ang baby ko? Kumusta siya?" Nanaginip siyang sinabi ng nurse sa kaniya na wala na ang baby niya, pero hindi siya naniwala. Panaginip lang 'yo

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 78

    PRENTENG nakaupo si Tyler sa bangkong yari sa plastic. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Erin. Walang kamalay-malay sa sigalot na naganap. Lihim siyang napapangiti sa tuwing pumapasok sa isipan ang huling sinabi ng ina kay Katrina. Walang bahid ng pagpapaawa ang naaninag niyang takot sa mata nito. Nawalan ng salita si Victor, nawala rin ang kayabangan nito. Ngayon ay mag-isa na lamang siya, hinihintay na muling magkamalay ang babaeng minamahal. Ang kapatid niya at nobya nito'y sumunod sa ina at nakatitiyak siya na patuloy na magsesermon ito sa dalawa. Tumayo siya't lumapit sa babaeng nahihimbing. Ginagap ang palad , masuyong hinaplos at saka'y hinagkan yun. Alam niyang kapag nagising ito'y magagalit ito sa kaniya, pero tatanggapin niya ang lahat ng ibabatong salita nito. Nang mga panahong wala siyang maalala, hindi ito umalis sa tabi niya, hindi siya iniwan kahit sinisigawan na niya. "I'm sorry, mahal. Sorry sa lahat-lahat ng pagkakamali kong nagawa sa 'yo."Ngayo

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 77

    "SORRY..."Mabilis na lumuhod si Katrina sa harapan ni Tyler. Nagsimula itong tumangis. Nagmakaawang patawarin na niya, ang mukha'y parang isang anghel na nahulog sa lupa.Subalit, hindi niya maramdaman ang pagsisisi nito. Angel man ang mukha nito , pero sa likod n'on ay nagtatago ang makamandag na ahas, anumang oras ay puwedeng manuklaw. Mabilis siyang yumukod, inapuhap ang panga nito. Mahigpit ang hawak niya, yung tipong walang makakabuwag sa pagkakapit niya, kahit hangin ay hindi makalulusot."Patawad?" Nanlisik ang kaniyang mata. "When I woke up in the hospital... na wala ang alaala, sa harap mismo ni Erin, nagkaroon ka ba ng awa nang nagawa mong magsinungaling? Nagkaroon ka ba ng katiting na awa nang sabihin mo sa kaniya na nagkabalikan na tayo? Nagkaroon ka ba ng awa nang walang habas mong itulak siya sa hagdan? You didn't even think about her condition!" sunod-sunod niyang sabi rito. Halos bumaon na ang daliri niya sa panga nito dahil sa pagkakahawak niya.Si Victor ay hindi si

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 76

    NAGNGANGALIT ang bagang ni Tyler, ang mata niya'y matalim ang titig sa dalawang sinisermunan ng ina. Si Katrina, napakasinungaling talaga nito. Napakagaling magdrama. Magaling magpaawa. At si Victor, ang kapatid niyang suwapang. Sinasabi nitong hindi na siya ang nagmamay-ari ng Green Ivory, ang negosyong pinapalago niya nang ilang taon. Lihim siyang ngumisi. Akala yata ng kapatid niya'y ganoon lang kadali nitong makuha ang negosyong itinataguyod niya, at mabuti na lang dahil bumalik na ang alaala niya. "Mahal..." Isa ang salitang 'yan sa nagpabalik sa nawala niyang alaala at marahil sa dugo na rin ni Erin. Kanina, habang papunta sila dito sa hospital, doon bumalik ang nawalang alaala niya. "Tyler!" Bumaling ang paningin niya sa ina. Wala na ang galit doon. "Yes, Ma?" Hindi pa man tuluyang nakakasagot ang kaniyang ina ay humahangos na pumasok ang nurse. "Ma'am, Sir, gising na po ang pasyente sa kabilang room, pero nagwawala po ito." Nakabahad ang matinding takot sa mukha ng babae

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 75

    PINAGMAMASDAN ni Tyler ang walang malay na si Erin. Ang kaniyang ina ay nasa kabilang silid lamang. Tumaas ang blood pressure nito at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinaaalam sa ama ang nangyari. Alam niya na malulumbay ang dalaga kapag nagkamalay ito, 'pag nalaman na wala na ang kanilang anak. Baka nga'y magalit pa sa kaniya. "Sigurado 'yan," anas ng isipan niya. Itinaas niya ang paningin, ilang beses na kinurap ang mata. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari, kung sana'y pinakinggan niya ang sinabi nito tungkol sa Green Ivory, hindi sana agad ito aalis. Hindi sana nito makakasalubong si Katrina. Dumilim ang anyo niya nang maalala ang sinabi nito. Nagdesisyon siyang iwan muna si Erin, hahanapin niya si Katrina. Ramdam niyang pawang kasinungalingan ang sinabi nito. Pumasok siya sa silid ng ina, nakita niya roon si Victor at ang babaeng hinahanap niya. Halos isahing hakbang na niya ang pagpasok para lang makaharap ito. "Katrina!" "T-Tyler..." Nanlilisik ang

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 74

    "KATRINA..." Naglalakad na sa labas ng silid si Tyler, balak niyang tanungin si Erin hinggil sa sinabi nito, nang biglang makarinig siya ng pagsigaw. Nagdumali siyang nagtungo sa hagdan dahil doob nanggaling ang sigaw. Mula sa ibaba, tanaw niya ang dalaga, nakahandusay sa sahig. Si Katrina, nakatayo lang sa baitang ng hagdan. "Ang baby ko..." Mahina man ang boses ni Erin dahil nasa ibaba ito pero sapat na para maintindihan niya ang sinabi nito. Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan nito, hindi alintana ang baitang-baitang na hagdan paibaba. "T-Tyler..." narinig niyang sabi ni Katrina nang maparaan siya sa kinatatayuan nito. Hindi niya pinansin, mas lalo siyang nagmadali paibaba. Pansin agad niyang namimilipit sa sakit si Erin. Ang luha nitong umaagos, ang pagdaing nito... parang may kung anong lumalakumos sa puso niya. Gusto niyang magalit kahit hindi alam kung bakit."E-Erin," tawag niya rito. Halatang nahihirapan ito nang tumingin sa kaniya. "Ang baby ko, iligtas mo siya. An

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 10

    Sa bahay ng magulang tumuloy si Tyler. Sinalubong siya ni Dorothy, ang kaniyang ina. Pansin pa rin niya ang lungkot sa mata nito. Kinumusta siya nito, kung okay lang daw ba siya at kung nakakakain ng maayos? Ang lahat ay payak niyang sinasagot. Ayaw nyang lalong malungkot ang ina, kaya kahait may k

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 8

    HINDI patulugin si Erin, nakatutok lang ang mata niya sa kesame. Double deck ang higaan nila at si Carla ang nasa ibaba. Okay lang naman sa kaniya ang hindi matulog agad dahil wala siyang pasok mamayang gabi. Pero ang hindi okay ay ang laman ng isipan niya... si Tyler. Hindi siya ignorante pagdatin

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 36

    "PA, sorry po. Inilagay ko sa kahihiyan ang 'yong pangalan." Humihikbi si Erin sa harap ng ama. Tinikis niya itong huwag tawagan, huwag kumustahin. Alam niyang tulad niya, nangungulila rin ito sa paglayo niya. Hindi ito sanay na mawalay siya nang matagal. Nang araw na nalaman niya na may ibang bab

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 35

    HABANG abala ang lahat, masinsinang kinausap ni Seb si Tyler. Hinila niya ito sa room na pinasukan bago pa dumating ang tito niya. Hindi pa niya nalalaman ang dahilan dito kung bakit nagawang saktan ang damdamin ng pinamakamamahal niyang pinsan. Hindi pa humuhupa ang galit niya rito. Nakita sila ni

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status