Hanggangan ng Pananahimik Seraphina's POV Tahimik ang buong eroplano. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang kaluskos ng hangin mula sa air vent ang maririnig. Nakaupo ako sa kabilang gilid ng cabin, pilit pinapakalma ang puso ko. Sa kabilang dulo, si Sir Cayden—tahimik din, pero dama ko ang init ng titig niya, tila apoy na handang sumiklab anumang sandali. Hindi ko alam kung pagod lang siya o galit. Hindi siya kumikibo simula pa kanina. Pero nang dumating ang mensahe sa cellphone ko mula kay sir Allen tungkol sa iniwang report, at hindi ko napigilang mapangiti, doon siya biglang tumingin. Matalim. Walang emosyon. Pero ramdam kong may namumuong unos. “May nakakatawa ba sa trabaho, Miss Liam?” malamig niyang tanong. Agad akong napatingin sa kanya. “Ah, hindi po. Si sir Allen lang po, sir. Nag-update lang tungkol sa—” “Allen.” Ulit niya, mariin. “Allen again.” “Trabaho lang po, sir,” pinaliwanag ko agad. “Wala naman pong—” “Delete it.” Natigilan ako. “Po?” “I said delete t
Last Updated : 2025-07-01 Read more