Chained by the Billionaire

Chained by the Billionaire

last updateLast Updated : 2025-08-14
By:  Celeste VossUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
99Chapters
7.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Akala ko tapos na ang gabi. Tahimik na ang buong bahay, pero hindi ang dibdib ko. Kagagaling lang namin sa isang party—hosted by his mother. Ang daming tao. Ang daming mata. Pero kahit na ipinakilala niya akong secretary lang, ramdam ko ang pag-aangkin sa bawat sulyap niya. Lalo na nang may lalaking lumapit sa akin. Lalo na nang ngumiti ako, kahit sandali. Doon ko siya nakita—yung paninigas ng panga, ang lalim ng tingin na parang babagsak ang langit. Kaya hindi na ako nagulat nang may kumatok. Malakas. Walang pasintabi. Pagbukas ko ng pinto, naroon siya. Si Cayden. Nakatayo sa dilim, may halong galit at silakbo sa mukha. Hindi siya nagsalita agad—dumiretso siya sa loob, isinara ang pinto, at hinila ako papunta sa kama. “Cayden, what are you—stop!” Nagpumiglas ako. Umiwas. Pero hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. Lumuhod siya sa kama, pinilit akong mapahiga. At saka siya bumulong, malamig ang boses, pero parang nasusunog ako sa bawat salita. “Tonight, whether you like it or not… I’m going to claim you.” Nanlaki ang mata ko. Hindi ito tanong. Hindi ito pakiusap. Ito ang utos ng isang lalaking hindi kailanman tinanggihan. Hindi siya aalis. Hindi siya titigil. At ngayong gabi— Tatatakan niya ako ng pangalan niya. Kahit hindi ako handa.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Sa Dilim Kita Nakilala

Seraphina’s POV

Ang gabi ay parang kasabwat ng kasalanan sa lugar na ’to. Las Vegas-style ang ilaw, pero nasa Maynila kami. Malamlam. Pulang-pula. Kumikinang ang mga katawan sa entabladong puno ng usok, at bawat lalaking nakaupo sa paligid ay may hawak na baso—o babae.

Kasama ako sa mga babae. Hindi ako dancer, pero pumayag akong magsideline bilang “bottle girl” tuwing weekend sa bar na ito—hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko. ₱5,000 kada gabi, plus tip. Sapat para sa gamot ni Elara.

Nasa VIP corner ako, may hawak na tray ng tequila, suot ang puting crop top na halos hindi na crop, at skirt na parang sinukat para malaglag. Pero sanay na ako. Ganito ang buhay kapag desperado.

“Uy, Sera,” tawag ni Mia, sabay irap. “Nando’n na naman si Mr. Deveraux sa corner table. Nagtataka na talaga ako. Palagi siyang nasa VIP room, pero simula noong dumating ka, palagi na siyang nasa labas.”

Kumunot ang noo ko. Kilala ang apelyidong iyon sa lahat ng lugar. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at halos mapa-atras ako nang magtama ang aming paningin ni Mr. Deveraux. Napakatangkad, may seryosong gwapong mukha. Naka-itim na long sleeves kahit mainit. Naka-upo sa pinakadulong sulok, may hawak na baso ng whiskey, at nakatitig.

“Hindi ko akalaing ang mga mayayamang kagaya niya ay nagpupunta sa ganitong klaseng lugar,” bulong ko, sapat na marinig ni Mia.

“Ano ka ba naman, Sera. Syempre asensado ka na sa buhay, ano pa bang gagawin mo? Malamang magpapakasaya ka,” singit ni Luwalhati.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako sigurado kung ako talaga ang tinititigan niya. Pero isa lang ang sigurado ako—iba ang tingin niya. Hindi bastos. Hindi rin inosente. Pero mabigat. Mapanganib.

Hindi siya tulad ng ibang lalaking dumadaan dito para lang maglibang. Tahimik siya. Parang siya ang tunay na may-ari ng gabi. Kung hindi pa sinabi ni Mia, baka hindi ko siya napansin.

Lumapit si Mia. “Alam mo bang ang dami sa atin ang sumubok lumapit sa kanya para mag-serve o manlandi, pero wala. Mahigpit ang security. Pero ikaw—ikaw ang tinititigan. Subukan mo kaya? Malay mo, malaking tip.”

Nagkibit-balikat ako. “Napakarami natin dito, imposibleng ako ang tinitingnan, baka si Lisa. Siya naman ang may pinakamalakas ang hatak sa inyo. Hayaan mo na.”

Ngumuso siya. “Kaibigan ni Sir Janus. Palagi ’yan sa Room 1 kung dadalaw dito. At hindi si Lisa ang tinitingnan niyan. Nilapitan nga niya kanina, tinaboy lang. Gusto mo bang i-verify natin? Lapitan mo siya.”

“Ay naku, Mia. Hindi ako pumunta rito para mag-entertain ng lalaki. Nandito ako para magtrabaho.”

Nagkibit-balikat siya at bumalik sa pag-serve. Muling napalingon ako—pero wala na siya sa kanyang puwesto.

“Ang swerte mo kung ikaw ang inaabangan niya. Instant bilyonarya ka na, Sera. Pero ‘yan… delikado. Ruthless billionaire ’yan,” bulong ni Ate Cherry, ang manager namin.

--------------

Isang oras ang lumipas.

May lumapit sa akin—isang lalaking naka-itim, may earpiece.

“Miss Liam?” tanong niya.

Napalingon ako, kabado. “Ano ’yon?”

“Mr. Deveraux would like to have a private word with you.”

Bigla akong kinabahan. “Bakit daw?”

“Basta sumama na lang po kayo, Miss.”

--------------------

VIP Room 1

Tahimik ang kuwarto. Malamig. Parang wala sa Pilipinas. May art sa pader, mamahaling wine sa sulok, at sa gitna—siya.

Cayden Deveraux.

Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan. Siya ang bilyonaryong may-ari ng Deveraux Holdings—may hawak ng mga hotel, tech, finance—lahat. Sa balita, palagi siyang laman. Isa sa top 10 richest men.

At ngayon, narito siya. At ako—nasa harap niya.

Nakatayo ako. Naupo lang nang iwesto niya ang silyang kaharap niya. Mahigpit ang hawak ko sa palda, sinusubukang itago ang kaba.

“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?” magalang kong tanong.

“Alam mo ba kung sino ako?”

Tumango ako. “Opo.”

“Alam mo ba kung bakit kita pinaakyat dito?”

Umiling ako. “Hindi po. Gusto niyo po ba ng maiinom?”

Pinagmasdan niya ako ng matagal. “You don’t belong down there,” aniya sa huli. “Your eyes don’t flirt. They fight.”

Napalunok ako. “Sideline lang po ’yon.”

“But you’re not made for tips. Or for men like them.” Tumayo siya, lumapit. “You don’t even know how desirable you are, do you?”

Tumingin ako sa gilid. Hindi ako makatingin.

“Sir, ano pong ibig n’yong sabihin?”

Nanigas ako nang maramdaman ko ang presensya niya. Masyadong malapit.

“Look at me, Seraphina.”

Napasinghap ako. Tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Kilala niya ako.

Dahan-dahan akong tumingin.

At parang may humila sa kaluluwa ko. Ang mga mata niya—itim, malalim, mapanganib.

“I know what it feels like to lose,” bulong niya. “That’s why when I want something… I do everything to take it.”

Napakagat ako sa labi. “Anong gusto niyong makuha?”

Ngumiti siya. Isang ngiting hindi ko alam kung dapat katakutan… o asahan.

“Don’t worry,” aniya.

“This won’t be our last night.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
PEANUT
good book.....
2025-08-05 15:14:22
1
user avatar
Marieta Sumampong Tubil
maganda ang story.........
2025-07-26 17:58:53
1
user avatar
Resyl Serva Francisco
maganda din po story..
2025-07-22 09:25:52
1
99 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status