Sa Dilim Kita NakilalaSeraphina’s POVAng gabi ay parang kasabwat ng kasalanan sa lugar na ’to. Las Vegas-style ang ilaw, pero nasa Maynila kami. Malamlam. Pulang-pula. Kumikinang ang mga katawan sa entabladong puno ng usok, at bawat lalaking nakaupo sa paligid ay may hawak na baso—o babae.Kasama ako sa mga babae. Hindi ako dancer, pero pumayag akong magsideline bilang “bottle girl” tuwing weekend sa bar na ito—hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko. ₱5,000 kada gabi, plus tip. Sapat para sa gamot ni Elara.Nasa VIP corner ako, may hawak na tray ng tequila, suot ang puting crop top na halos hindi na crop, at skirt na parang sinukat para malaglag. Pero sanay na ako. Ganito ang buhay kapag desperado.“Uy, Sera,” tawag ni Mia, sabay irap. “Nando’n na naman si Mr. Deveraux sa corner table. Nagtataka na talaga ako. Palagi siyang nasa VIP room, pero simula noong dumating ka, palagi na siyang nasa labas.”Kumunot ang noo ko. Kilala ang apelyidong iyon sa lahat ng lugar. Tinignan ko
Terakhir Diperbarui : 2025-06-29 Baca selengkapnya