Allen's POV Sumunod kami ni Sir Janus kay Sir Cayden upang ibalita sa kanya na nahanap na ang gumawa nito kay Miss Sera. Pero pagkarating ko sa tapat ng kwarto, naabutan ko silang tatlo—si Sir Cayden, ang tiyahin, at ang kapatid ni Miss Sera—ang mag tiyahin ay basang-basa ng luha, nanginginig hindi lang sa takot, kundi pati sa bahagyang pag-asa. "Ate ko, lumaban ka please!" sigaw ni Elara habang pilit na sumusugod sa loob ng ICU, ngunit pinipigilan siya ng kanilang tiya. Sa uri ng kanyang pananalita, batid kong may masamang nangyari kay miss Seraphina. Naghintay kami ng halos kinse minutos at biglang bumukas ang pinto. Lumabas si Dr. Dylan, kaibigan ni Sir Cayden at attending physician ni Miss Sera. Pawisan siya, ngunit matatag ang tindig. “Stable na siya,” ani sir Dylan, dahan-dahan pero diretso. “Bumalik na ang vitals. Naka-ventilator pa rin, pero out of critical risk. Hindi pa siya gising… pero ligtas na siya.” Napahagulhol si Elara. Bumagsak sa sahig ang katawan niyang tila
Terakhir Diperbarui : 2025-07-03 Baca selengkapnya