Tatlong araw na ang lumipas mula noong isinugod si Elara sa ospital.Tatlong araw ng pananatili sa piling ng taong tinubos ang buhay ng kapatid ko—kapalit ng akin.Sa loob ng panahong iyon, hindi kami masyadong nag-usap ni Cayden. Tila ba sapat na sa kanya ang presensyang kasama niya ako. Minsan, nararamdaman ko ang matalim niyang titig habang pinagmamasdan ako sa ospital. Hindi ko siya matingnan nang diretso. Hindi dahil sa galit—kundi dahil sa takot sa kung anong kasunod pa ng lahat ng ito.Ngayon, inilalabas na si Elara. Nakangiti siya habang inaayos ng nurse ang huling tape sa braso niya.“Ate, makakauwi na tayo,” masayang wika niya.Ngumiti ako, pilit. “Oo, bunso,” bulong ko habang pinapahiran ng alcohol ang natuyong sugat niya. “Maayos ka na. Wala na tayong kailangang ikabahala.”Pero sa loob ko, kabaligtaran ang totoo.Paglabas namin ng kwarto, naghihintay na ang driver ni Cayden sa labas ng ospital. Nakaabang ang itim na sasakyan—elegante, malamig, at walang bakas ng habag.“M
Last Updated : 2025-07-31 Read more