Seraphina's POV Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa mahabang mesa. Matamlay akong kumain, habang nakatayo ang apat na kasambahay sa gilid, pinapanood lang ako. “Pwede bang samahan niyo ako kumain?” tanong ko, may halong lungkot. Nagkatinginan sila, saka sabay-sabay na umiling. “Hindi po pwede, ma’am. Hindi dapat kasabay ang amo,” paliwanag ng mayordoma. “Pero ako naman ang nag-request. Kaya samahan niyo na ako. Ang lungkot kasi,” pilit kong sabi, may bahagyang pakiusap sa boses. Umiling pa rin sila, pero kalaunan ay napapayag ko rin. Kahit saglit lang, nagkaroon ako ng kasabay sa pagkain. Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto. Ganun pa rin—nakaupo si Cayden, nakatutok sa laptop. May biglang tumunog na cellphone niya. Kinuha niya iyon at dumiretso sa veranda, nilalampasan lang ako na parang wala ako sa kwarto. Hindi ko napigilang lumapit nang palihim, pinapakinggan ang boses niya habang sinisigurado kong hindi niya ako mapapansin. “What is it this time, Eunice
Last Updated : 2025-08-13 Read more