Third Person Point of View"Alam mo hindi mo naman kailangan mag luto," basag ni Arianne sa katahimikan."You can hire someone. Nasugatan ka pa tuloy," dagdag ni Arianne sabay pag baba sng kanyang tingin sa kamay ni Frederick.Bigla na lang naging conscious si Frederick sa kanyang kamay. Hindi niya rin inaasahan na gagawin niya ang pag luluto para sa kanilang first date.Itinago niya ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa sabay iwas ng kanyang. Namumuo ang pawis sa kanyang noo, nahalata ni Arianne ang biglang pag te-tense ni Frederick."Bakit ka pinapawisan? Nahihiya ka ba?" tonong pang-aasar ni Arianne kay Frederick."Hindi. Bakit naman ako mahihiya?" defensive na tonong sambit ni Frederick sabay umayos ng upo.Sinulyapan naman ni Arianne si Frederick, napansin niya ang tattoo sa leeg nito pati ang tattoo sa mga braso ni Frederick. Kahit may bandage ang mga daliri ni Frederick ay nakakaagaw pa sin parin ang mga tattoo nito pati ang isang singsing sa daliri ni Frederick. Napakunot ang no
Terakhir Diperbarui : 2025-07-04 Baca selengkapnya