(POV: Sierra Ramirez-Dela Vega) Umulan noong araw ng kasal namin. Sabi ng iba, malas daw iyon. Pero sa mundong ginagalawan ng isang Dela Vega, walang puwang ang pamahiin—dahil ang malas, gawa ng tao. At ang seremonya? Isa lang daw pirma. Isang kontrata. Isang kasunduan sa dilim. Pero para sa akin? Ito ang sandaling tuluyan kong isinusuko ang sarili ko… hindi lang sa kasinungalingan, kundi sa lalaking kahit kailan ay hindi ko lubos na naintindihan. Tahimik ang civil wedding sa loob ng isang private chateau. Wala kaming bisita—hindi kailangan. Isang huwes, dalawang saksi, at isang milyong lihim ang laman ng kwarto. Nakatayo siya sa harap ko, naka-black suit, walang bulaklak, walang ngiti. Pero ang mga mata niya… tinatagos ang kaluluwa ko. Ako naman, naka-cream silk na dress, walang belo, walang lace. Ngunit sa ilalim ng manipis na tela, may pusong kumakabog—hindi sa takot, kundi sa pangambang baka ito ang huling araw ng tahimik kong buhay. “Do you, Sierra Ramirez, take t
Last Updated : 2025-07-01 Read more