Nagtipon ang mga shareholders sa malaking bulwagan na puno ng tension. Ang emergency general meeting na itinawag dahil sa sunod-sunod na leak ay puno ng mga malalaking tao sa industriya, counsel mula sa legal firms, mga financial analysts, at mga representante ng media na hinihintay ang magiging outcome. Sa kabilang panig ng mesa, nakaupo si Rhaedon, seryoso, ang buhok ay magulo, ang mukha ay halatang pagod. Katabi niya si Trixie, nanginginig pa rin ang mga kamay.Pagbukas ng meeting, agad na sumalita si Mr. Tan, isa sa pinakamalaking shareholder.“Mga kasama,” mahigpit ang tono niya, “ang nangyari nitong mga nakaraang araw ay hindi biro. Bumagsak ang stock natin ng higit-kumulang forty percent, maraming kontrata ang na-freeze, at ilang suppliers ang nag-pullout. Hindi na ito isyu lamang ng 'reputation'—ito na ang usapin ng solvency at ng future ng kompanya.”Tumango ang ilan. Maraming mata ang nakatutok kay Rhaedon.“Sir Rhaedon,” panimulang tanong ni Claire na secretary, “may mga
Last Updated : 2025-09-28 Read more