Pagkabukas pa lang ng pinto ng opisina ay agad napansin ni Vionne ang pamumula sa pisngi ni Michelle. Hindi lang basta pula—may bahid na rin ito ng violet, tanda ng lumalalim na pasa.Napakunot ang noo ni Vionne.“Michelle,” tawag niya sa dalaga habang inaabot ang ilang papeles sa mesa. “Ano 'yang pisngi mo?”Napalingon si Michelle. Sandaling natigilan, parang hindi alam kung tatakpan ba ang mukha o magmamatigas. Sa huli, pinili nitong itaas ang baba at harapin si Vionne.“Wala ’to,” sagot niya agad. “Hindi mo kailangang alamin.”“Michelle,” ulit ni Vionne, mas seryoso na ang tono. “Kung may nanakit sa’yo, you can tell me. Hindi ako kalaban dito.”Napatawa si Michelle. Mataray. Mapait. “Kalaban ka nga, Vionne. Huwag mo nang itanggi. You’re not fooling anyone.”“Hindi ako nakikipag-kompetensiya,” mahinahong tugon ni Vionne. “Hindi mo kailangan tratuhin akong kaaway araw-araw.”Biglang lumapit si Michelle, halos magkadikit na ang mukha nila.“Huwag mo akong kaawaan,” mariing bulong ng d
Last Updated : 2025-07-16 Read more