Nagpasya si Vionne na kunin ang mga natitirang gamit niya sa bahay ni Levi. Pero hindi niya natuloy dahil naisip niyang kung kukunin niya ang mga gamit, ibig sabihin ay apektado siya sa sinabi ni Levi na wala itong gusto sa kaniya.Kaya dumiretso na lang siya sa hotel kung saan siya pansamantalang nakatira. Tahimik siyang pumasok sa kaniyang silid, binuksan ang closet, at kinuha ang isang damit na masikip sa baywang, mababa ang neckline, at bakat ang kurba ng kaniyang katawan. Matagal niyang pinag-isipan kung lalabas siya o hindi. Pero sa huli, nanaig ang kagustuhan niyang makalimot, kahit pansamantala lang.Nag-ayos siya ng buhok, naglagay ng make-up, at nagsuot ng high heels. Lumabas siya ng hotel at nagtungo sa isang sikat na bar. Pagkapasok niya, agad siyang sinalubong ng malakas na tugtog at liwanag ng mga disco lights. Diretso siya sa bar counter at um-order ng tequila. Hindi siya umupo agad. Tumayo muna siya roon habang pinapanood ang mga taong sumasayaw. Wala siyang kilala, at
Terakhir Diperbarui : 2025-07-24 Baca selengkapnya