Kinabukasan, maaga pa lang ay sinimulan na ang dekorasyon sa isang hotel ballroom na pagmamay-ari ng Angeles Group. Wala na siyang ibang ginawa kundi sumunod sa lahat ng pinaplano ni Levi at ng team nito. Gusto man niyang makialam sa details, hindi na niya kaya. Mula sa pagkain, venue layout, guest list, at media coverage, lahat ay handa na. Alas-siete ng gabi, nagsimulang magdatingan ang mga bisita. Ang ilan ay kilalang personalidad sa negosyo, mga executive, pati ilang showbiz personalities na may connection sa pamilya ni Levi. Ilang former investors ng Monteverde Group ang dumalo rin, na para bang gusto nilang makita kung totoo nga ba ang mga bali-balita. Nasa isang private holding room sina Vionne at Levi habang hinihintay ang cue para lumabas. Nakaayos na si Vionne, suot ang gown na pinili ni Levi. Maayos ang pagkakaayos ng buhok niya, at maingat ang pagkakalagay ng makeup. Lumingon siya sa binata na busy pa rin sa phone. “Last chance to back out,” biro niya. Tiningnan lang si
Last Updated : 2025-07-13 Read more