BROKEN LOVE C913RD POV “Sawang-sawa na akong itagao ‘to Matteo.. Dahil hindi ko alam na darating ang araw na iisipin ng Anak ko na hindi ako ang tunay niyang ina.” Wika niya, habang naglalandas ang mga luha niya sa kanyang mga mata. “Aaminin kung takot na takot akong malaman niyo ang totoo, pero ayaw kung lumaki si Lukas na isipin na hindi ko siya tunay na anak.” Muling wika niya, habang nailing si Matteo. “P-paano..” Utal na tanong nito, habang hindi pa rin ito makapaniwala sa kanyang sinabi. “Mommy, away kayo?” Tanong sa kanya ni Lukas, habang umiling siya rito at pinunasan ang kanyang mga luha. “Yaya!” Tawag niya sa yaya nito habang yumukod. “Pwede bang doon ka muna kay Yaya, may pag-uusapan lang kami.” Wika niya, habang pilit na ngumiti sa anak niya. Tumango ito sa kanya, habang ngumiti. “’Wag mong paalisin si Daddy, Mommy.” Wika nito, habang tumingin kay Matteo. “Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ‘to Luna?” Galit na tanong sa kanya ni Matteo, habang nakatingin kay Luka
Terakhir Diperbarui : 2025-08-24 Baca selengkapnya