BROKEN LOVE C113RD POV Nang matapos niyang basahin ang ibang mga documents galing sa ibang kumpanya nila, ay naisipan niyang lumabas para magpahangin. Nang marating niya ang pool ay napa-kunot ang noo niya, matapos niyang makita si Mia, na nakaupo. “Hindi ka pa pala natutulog?” Tanong niya rito, habang nilingon siya nito. “Hindi pa, umupo ka rito sa tabi ko Sir.” Sagot nito sa kanya. “Bakit?” Taka na tanong niya. “Wala lang, gusto ko lang na makausap ka, wala kasi akong ibang kausap.” Ngiting sagot nito sa kanya.“Dapat nag-pahinga kana.” Wika niya, habang napatingin ito sa kanya. “Sir naman, ikaw nga hindi pa nagpahinga.” Natatawang sagot nito, kaya napatitig siya rito. Lumilitaw kasi talaga ang ganda nito, tuwing ngumingiti ito. “Ano pala ang pinag-usapan niyo ni Violet?” Tanong niya rito. “Tungkol sa mga damit Sir, mahilig din daw kasi siya sa mga mamahalin na damit Sir.” “Bakit mahilig kaba nun?” Tanong niya habang mabilis itong tumango.“Kaya sa sahod ko, bibili pa ako
Last Updated : 2025-09-05 Read more