BROKEN LOVE C35 3RD POV “Anak, halika.” Malawak na ngiti ni Emma, kay Luna. Habang papalapit ito sa kanya.“Pasensya kana Anak, ako lang ang nandito, dahil nasa abogado pa ang daddy mo. Hintayin lang natin sila ng kapatid mo, dahil pagpunta nila rito ay makakalabas kana.” Masayang wika niya rito, habang ngumiti ito. “Anak, ‘wag ka nang magtampo. Alam mo simula ngayon babawi na kami sa ‘yo.” Muling wika niya kay Luna. “Sige na, kumain kana.” “Hindi ako nagugutom Mommy, excited kasi akong makalabas.” Lalong nakaramdam ng tuwa si Emma, dahil sa kanyang narinig. “Ako rin Anak, hindi mo alam kung gaano ako ka saya ngayon, dahil makakasama kana rin namin.” “Sa loob nalang ako maghihintay kay Daddy, bawal kasi akong magtagal dito.” Wika nito sa kanya, habang mabilis siyang tumango. Hindi naman mapakali si Emma, dahil kanina pa niya hinihintay si Leo at Sofia. ‘Bakit ba ang tagal nila? Baka bigla na namang magbago ang isip ni Luna?’ “Nasa’n na ba kayo?” Tanong niya kay Sofia, matapo
Huling Na-update : 2025-08-02 Magbasa pa