BROKEN LOVE C54 3RD POV “Hindi na ba masakit Apo?” Tanong sa kanya ng kanyang lola. “Lola, hindi po ayos lang po ako.” Ngiting wika niya rito. “Mama naman, bakit niyo naman ‘yon ginawa?” Napatingin ito kay Aveline, dahil sa sinabi nito. “Wala nga akong balak na sampalin si Abby, pero ‘yon ang gusto niya.“Para po magmukhang kapani-paniwala.” Ngiting sagot niya rito. “Hindi ko pa rin ma-imagine ang mga mukha nila ngayon, lalo na ang galit na nararamdaman nila.” Ngiting wika ni Luna. “Nararapat lang sa kanila ‘yon, Apo. Lalo na at wala silang kasing sama.” Galit na wika ni Viol. “Pero sa tingin ko, ikaw na naman ang siishin nila Abby, kaya ‘wag ka munang makipag-usap o makipagkita sa kanila, dahil ayokong masaktan kana naman.” Wika ng kanyang ina sa kanya, kaya tumayo siya at yumakap dito. “’Wag po kayong mag-alala Mommy, ako na po ang bahala.”“Anak,”“Mommy, kaya ko po ang sarili ko. Isa pa, alam kung hindi nila ako sasaktan ngayon, dahil hindi pa nila nakuha ang gusto nila.
Last Updated : 2025-08-08 Read more