BROKEN LOVE C45 3RD POV “S-sige, pumapayag ako sa gusto mo. P-pero natatakot ako Matteo, paano kung malaman ni Daddy? Alam kung magagalit siya sa akin Matteo.” Iyak na wika nito sa kanya, kaya muli niyang hinawakan ang kamay nito. “’Wag kang mag-alala, hindi niya ito malalaman. ‘Wag na ‘wag mo lang sabihin sa kapatid mo at sa iyong ina Luna, dahil lalo kang mapapahamak kung gagawin mo ‘yon, ‘wag ka rin mag-alala, dahil lihim akong magmanman sa kanila sa bahay.” Wika niya rito, habang tumayo ito at lumapit sa kanya. “Salamat Matteo.” Wika nito, habang niyakap siya. Napigilan si Matteo, dahil sa ginawa ni Luna na pagyakap sa kanya. “Ang una mong gawin Luna, tanggalin mo ang investment sa kumpanya niya.” Wika niya nang bitawan siya nito. “Pero baka magalit si Daddy..” “Hayaan mo kung magalit siya, dahil hindi naman siya makakalapit sa ‘yo. Isa pa, ‘wag mong sagutin ang mga tawag nila. Naintindihan mo ba Luna?” Tumango ito sa kanya, kaya lihim siyang napangiti, dahil iniisip niya n
Last Updated : 2025-08-05 Read more