BROKEN LOVE C23 3RD POV “Sabihin mo sa akin Anak, kung may problema, bakit ka umiiyak?” Nag-alala na tanong ng kanyang ina sa kanya. “Bakit ang sama-sama nila Mommy?” Hikbing wika niya, habang nanatiling naka-yakap dito. “Kung ang nag-ampon sa ‘yo, ang dahilan ng pag-iyak mo, sinabi ko na sa ‘yo ‘di ba, ako na ang bahala sa kanila.” Wika ng kanyang ina, kaya mabilis siyang umiling dito. “Hindi Mommy, ako.. Ako ang maniningil sa kanila.” Wika niya habang pinunasan ang kanyang mga luha. Nag-paalam siya sa kanyang ina, dahil kailangan niyang pumunta ng kulungan, habang iniisip ang preso na napahamak. ‘Bakit gusto nilang mawala ako ng tuluyan?’ “Luna.” Wika ng jail guard sa kanya, matapos siya nitong salubungin. “Anong nangyari?” Tanong niya rito. “Matapos niyang kinain ang pagkain na iniwan mo ay bigla nalang sumama ang pakiramdam niya, at ng dinala namin siya sa hospital ay wala na siya. Ang sabi ng doktor ay nalason ito. Wala naman siyang ibang kinain, kun’di ‘yong binigay la
Huling Na-update : 2025-07-28 Magbasa pa