"Anak, huwag nating ipilit ang ating sarili sa taong may ayaw sa atin." Mahinahon na ani Dory at pilit na pinaiintindi ang ibig sabihin sa anak."No, mahal na ako ni Terence pero nagbago iyon dahil sa babaing iyon!" Bulyaw niya sa ina. "Kung ayaw mo akong tulungan ay huwag mo na akong kausapin!" Pananakot pa niya sa ina.Nanlumo si Dory at hindi na alam ang gagawin at sabihin upang matauhan ang anak at maisip nitong mali ang sarili."Kapag hindi mo ako tutulungang papuntahin dito si Terence ngayon ay aalis ako at sunduin siya!" Galit niyang banta sa ina.Pakiramdam ni Dory ay biglang nanikip ang dibdib niya. Bumuka ang bibig niya pero walang tinig na lumabas doon. Nang tangkang tanggalin ng anak ang dextrose nito ay mabilis niyang niyakap ito. "Anak, please makinig ka sa mommy kahit ngayon lang.""No, ikaw ang makinig sa gusto ko kung ayaw mong mapakamak ako!" Pilit niyang tinulak ang ina palayo kung lalong humigpit ang yakap nito sa kaniya. "Hindi mo na ako mahal!""Hindi totoo iyan,
Read more