Tinapik ni Ian sa balikat ang pinsan saka nilampasan ito at itinuloy ang pagbaba sa hagdanan.Mahigpit na naikuyom ni Jeffrey ang kanang kamay at nilingon ang pinsan. "Of course, kaya kong bumuo ng anak sa babaing mahal ko at pakasalan muna bago buntisin, unlike you na puro laro lang ng apoy ang alam mo!" Nang uuyam na aniya rito.Tumigil sa paghakbang si Ian saka sumandal sa railing at nakaangat ang isang bahagi ng labi habang nakatitig sa pinsan. "Kailan pa naging matinong lalaking tinuhog ang magkapatid para sa pakinabang makukuha?"Pakiramdam ni Jeffrey ay namula maging ang tainga niya dahil sa galit at pagkapahiya sa pinsan. Nagagalit siya dahil nagawa niyang ipahiya ang sarili. Bumalik sa kaniya ang mga nakakainsultong salitang ibinabato niya kay Ian. Nangalit ang mga bagang niya kapagdaka. Hindi niya matanggap na sa kanila ni Ian ay ito lagi ang tama at lamang."Bago ka mamuna ng dumi ng iba ay manalamin ka muna." Seryuso at malamig na kastigo ni Ian sa pinsan bago nagpatuloy n
Read more