"Ate, nang mabalitaan kong nag resign ka ay sobrang nalungkot ako. Hindi ko tinigilan si Kuya hangga't hindi ako sinamaham sa pagpunta dito dahil kasalanan niya ang lahat." Mukhang nagtatampo na kumapit si Akira sa braso ni Charlene. Nahihiyang ngumiti si Charlene sa dalaga at hindi alam paano magpaliwanag dito. Pero napaisip siya sa sinabi nitong nagpasama sa kapatid eh nauna si Terence na bakarating sa inuupahan niyang bahay. Mukha ngang sinundan siya nito kanina kaya natuntun bahay niya."Nasaan pala si Jude?" tanong ni Akira ay inikot ang tingin sa paligid.Mukhang natauhan si Charlene pagka alala sa kaibigan. "Naku, namili siya ng pagkain para ngayong gabi!" aniya at napatingin sa pagkaing dala ni Akira. "Wait, tawagan ko siya." Mabilis na hinanap ni Akira ang phone na nasa bag.Gustong tumikwas ng kilay ni Charlene nang malaman na may contact ang dalaga ng kaibigan niya. May hindi ba siyang alam na ginagawa ng mga ito? Pagtingin niya kay Terence ay naka pamulsa na ito habang n
Read more