"Baka po pinuntahan niya si Sir Terence, ma'am?" Kumento ng isa sa katulong ni Dory.Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Dory at may punto ang katulong. Bakit ba hindi niya naisip kanina ang binata? Mabilis niyang dinayal ang numero ni Terence."Ano po ang kailangan ninyo?" Magalang pa rin na tanong ni Terence sa ginang kahit inayawan na niya ang pamilya nito dahil kay Cynthia. "Hijo, pasensya na sa abala. Itatanong ko lang sana kung pumunta diyan si Cynthia o tumawaf sa iyo?"Nangunot ang noo ni Terence. "Bakkt niyo po siya hinahanap sa akin, di ba nasa hospital siya?"Lumaylay ang mga balikat ni Dory at mukhang wala rin kay Terence ang anak. "Tinakasan niya kasi ako at—""What? Nakatakas ang babaing iyon?" Nailayo ni Dory ang cellphone sa taingan at nakakabingi ang boses ng binata mula sa kabilang linya."Paano siya nakatakas at anong oras?" Tumayo na si Terence at hindi mapakali.May apat na oras na, hijo, kaya naisip kong tawagan ka upang—" hindi niya natapos ang sasabihin at nag
Read more