"Hayop ka, Charlene, kung nabuhuhay lang sina mama at papa ay tiyak na isusumpa ka nila sa ginagawa mong ito sa akin!" Galit na bulyaw ni Dalia sa kapatid habang pilit pa ring nagpupumiglas sa pagka hawak ng dalawang pulis sa mga braso niya."You're wrong, hindi hahayaan ni mama na mamuhay ka sa kasamaan!" Mahinahon niyang sagot kay Dalia."Ahhhh, no... please Charlene, kapatid mo ako!" Nagmakaawa na siya sa kapatid upang iurong ang kaso sa kaniya. Hindi maaring madungisan ang pangalan niya dahil baka itakwil siya ng asawa na may iniingatang pangalan.Parang walang narinig si Charlene at tinalikuran ang kapatid. Kailangan nito ng leksyon upang maitama ang baluktot nitong isip.Nilapitan ni Terence ang nobya nang makitang palabas na ito ng pinto. Nanatili lang siya sa labas kanina pa at hinintay itong matapos sa pag harap sa kapatid nito. Ilang sandali pa ay naka sunod dito ang mga pulis at bitbit si Dalia. Halos buhatin na hg mga ito ang babae dahil nagpupumiglas pa rin at ayaw maglak
Read more