"I understand mom and thank you dahil pinapayagan mo pa rin ako sa gusto kong trabaho." Paglalambing niya sa ina."Ok ka lang ba diyan?" tanong ni Trisha. "Yes, mom. Don't worry po at updated si daddy saka humihingi ako ng support sa kaniya kung hindi ko kayang gawin.""What? Kung ganoon ay hindi simpleng case iyang hawak mo?" Nag aalalang tanong ni Trisha sa anak.Napakamot si Akira sa ulo kahit hindi naman makati iyon. Ang akala niya ay mapanatag ang ina sa kaniyang sinabi. Pero kabaliktaran ang nangyari at ramdam niya ang labis nitong pag aalala. "Mom, not really. They are just a student. May pinakuha lang po ako sa tao ni daddy."Nakahinga nang maluwag si Trisha. "Mag ingat ka pa rin at hayaang nasa paligid ang tao ng daddy mo.""Ok mom, please don't worry about me at ayaw kong makitang pumuti na ang buhok mo dahil sa pag alala sa akin." May kasamang biro na aniya sa ina."Mangyayari talaga iyan kapag hindi ka tumawag sa akin araw araw." May kasamang banta na ani Trisha sa anak
اقرأ المزيد