SIERRA’S POVHome Sweet Home…Sweet nga ba o puno lang ng pait ang aking pagbalik sa bansa?Umalis akong bigo at luhaan, ngayon ay babalik akong matatag. Kaya ko na silang harapin nang hindi namamalimos ng pagmamahal.“Mommy, where is Mama Olivia? I thought she was going to pick us up?” tanong sa akin ni Abigail na nakahawak sa aking isang kamay habang hila-hila ko naman sa isang kamay ang aming maleta.“She’s waiting for us at home. Inilagay mo ba sa bag mo ang regalo mo sa kanya?” “Of course, Mommy. I put it in my bag,” nakangiting sagot naman nito. “Honey,” tawag ko sa kanya. Umupo ako upang mapagpantay ang aming mga mukha.“Yes, Mommy?”“Marunong ka naman magtagalog, hindi ba? Maybe your cousins won't understand you if you keep speaking in English,” sabi ko.“Opo, Mommy. I understand po,” sagot nito.“Pwede bang Tita Naomi ang tawag mo sa akin at hindi Mommy? And when someone asks you who’s your mom, point to Mama Olivia. Nagkakaintindihan ba tayo?” Mali man na turuan ang
Huling Na-update : 2025-07-10 Magbasa pa