Nang mamatay ang kanilang ina noong siya ay siyam na taong gulang pa lang ay nagmistulang ulila si Sierra at tila itinakwil na ng kanyang ama, sinisisi siya nito dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina. Kahit na ganoon ang trato sa kanya ng kanyang ama ay walang namuong sama ng loob sa kanyang puso at sa halip ay inisip na totoo ang sinusumbat nito at tinanggap iyon. Sa kagustuhan niyang mabigyan ng kahit kaunting pansin at pagkalinga ng kanyang ama ay sinusunod niya ang lahat ng mga utos nito kahit na labag sa kanyang kalooban. Mas lalong nagpabigat ng kanyang kalooban nang hilingin ng kanyang ama na palitan ang kanyang kapatid at magpanggap na siya si Noemi Sienna sa araw ng kasal nito sa isang bilyonaryong bulag. Hanggang sa kasalan lamang ba magtatapos ang lahat? Ano ang mararamdaman ng lalaking ikakasal kapag nalaman nitong ibang babae pala ang kanyang napakasalan?
ดูเพิ่มเติมSIENNA’S POV“I asked you what are you doing here? Kung narito ka para awayin si Sierra sinasabi ko na sa iyo na hinding hindi ko na palalampasin ang gagawin mo,” banta nito sa akin. Kahit masakit ang kanyang pagkakahawak sa aking braso dahil sa higpit ay pinatapang ko ang aking boses at nakipagsubukan. “Bakit? Ganyan mo talaga siya kamahal ang tanong mahal ka ba niya?” mapanakit kong tanong. Sa halip na sagutin ay matalim na tingin lang ang ipinukol nito sa akin saka niya tinanggal ang pagkakahawak sa akin. Napangiti ako dahil sa biglaang pananahimik nito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nasasabi sa kakambal ko ang kanyang tunay na nararamdaman. “Did you miss me? I missed you, Voughn,” sabi ko rito na may paglalambing na tono. Tumalikod ito sa akin at parang lalabas na ng pinto ngunit niyakap ko siya mula sa likod. “Bitawan mo ako, Sienna.” Pilit nitong kinakalas ang aking kamay na nakapulupot sa kanya. Siya talaga ang mahal ko at hindi si Lucien. Simula ng bata kami a
SIENNA’S POVPagkatapos namin mag-usap ni Dad ay nanatili pa ako sa Condo na aking madalas na tuluyan kapag ayaw kong makita si Dad at ayaw ko ring umuwi sa bahay. Para akong sinasakal sa tuwing nasa bahay ako at nakikita si Lucien. Pero nang magkausap kami ni Dad ay doon ko lamang napagtanto na hindi habang buhay ay matatakbuhan ko ang bagay na gusto ni Lucien. “Friend, I’m here,” bati sa akin ni Flora ang nag-iisang kaibigan at pinagkakatiwalaan ko. Matalim lang ang tingin na ibinigay ko rito bago ako tumingin sa social media. “Hulaan ko? May problema na naman kayong mag-asawa, no?” Inihagis lang nito ang kanyang bag sa sofa at saka nagtungo sa ref para kumuha ng soda in can. Sa halip na sagutin ay inirapan ko lang ito. “Alam mo, bakit hindi mo na lang kasi sabihin kay Lucien ang totoo tungkol sa kalagayan mo. Bakit hindi mo sabihin sa kanya na baog ka at palyado ang matres mo,” prangkang sabi nito at pabagsak na naupo sa sofa. Totoo pero masakit ang sinabi niya. Masakit na
LUCIEN’S POVHindi ako mapakali sa kakaisip tungkol kina Abigail at Naomi. Possible kayang anak ko si Abi?Pero apat na taon na ang bata, at nang mga panahon na iyon ay wala akong nakikita.You have to think carefully, Lucien. There’s something missing, may kulang.Malalim ang aking pag-iisip habang nakatitig sa larawan nina Abigail at Naomi. Sa pagkakalkal ko ng social media account ni Ms. Olivia ay marami akong nakitang mga larawan. May isa itong friend na nakaagaw ng aking atensyon,Sierrenne Romalliv.Nang subukan kong silipin ay naka-lock naman ang profile nito pero isa lang ang nakasulat dito. Pediatric Nurse at Spire Valley Hospital. Makalipas lang ng dalawang araw ay tinawagan ako ng Private Investigator na aking inupahan upang makipagkita. Ibinigay nito sa akin ang isang papel na nakalagay sa brown envelope.“Iyan lang po ang mga nakalap naming impormasyon, Sir. May mga impormasyon kaming hindi makita gaya ng kung sino ang kanyang ama,” paliwanag nito. Nakakunot ang akin
SIENNA’S POV“We have a problem, nag-hire na ang asawa mo ng private investigator para malaman ang katauhan ng kakambal mo,” sabi sa akin ni Dad. Pagkarating ko pa lang ay ito na agad ang binungad niya sa akin. Ayaw ko naman tumambay ng matagal sa bahay dahil mas madalas akong kulitin ng Mama ni Lucien na magbuntis. Apat na taon na kaming kasal pero wala pa rin akong balak na magkaroon ng anak. Maraming bagay ang mawawala sa akin kapag nagkaroon kami ng anak.Masisira ang kurba ng aking katawan at mawawalan ako ng kalayaan. Iyon ang akala ko pero noong nakaraang taon ay naisip ko na gawin ang gusto nito pero doon ko nalaman na hindi na ako pwedeng magkaanak dahil sa dalawang beses kong pagpapal@glag.I was pregnant twice pero parehas ko iyong pinatanggal dahil sa takot ko kay Dad. Ayaw kong magaya ang buhay ko sa aking kakambal.Nobody knows about my situation kahit na si Dad at itinatago ko ang bagay na ito sa pamamagitan ng pagkukunwari. “Hey, Sienna. Are you listening? Kapag na
LUCIEN'S POVHabang nakatitig sa maamong mukha ng dalawang babaeng nasa larawan ay may kung anong ideya ang pumasok sa aking isip. Agad akong nag-dial at tinawagan ang Isang magaling na private investigator na aking kakilala. "I want you to find every single information about Naomi Sierra Villamor. Lahat ng detalye kahit ang pinakamaliit, kailangan kong makuha," utos ko sa kabilang linya. Agad kong pinatay ang tawag matapos kong ibigay ang aking instructions. Ibinalik ko ang screen sa larawan na nasa album ni Ms. Olivia. May mga larawan na magkakasama silang tatlo Pero mas marami ang larawan ng batang si Abi. "Lucien," tawag sa akin ni Mama. Sumilip muna ito bago tuluyang pumasok. "Nakita mo ba ang asawa mong si Sienna? I've been looking for her since yesterday pero hindi ko siya nakikita. Alam mo, anak sa tingin ko kailangan mo na higpitan ang mga kinikilos ng asawa mo. Kung ayaw niya pa magkaanak it's okay with us pero ilaan niya na muna ang panahon niya sa pagtulog sa kompanya
LUCIEN’S POV Hindi ko mapigilang mainis kay Sienna dahil sa labis na pagkahiya sa kasalang iyon. I don’t understand kung bakit ganoon ang sinabi niya kay Naomi. Hindi ko sila kilala at mas lalong hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang pagitan pero maling mali ang ginawa niya dahil nanggulo siya. Naging tahimik kami sa sasakyan pero hindi ko na napigilan ang aking sarili nang makarating kami sa bahay. “What the hell is wrong with you, Sienna? Of all place, doon mo pa nagawang manggulo,” galit na sabi ko. “What? Ngayon mo lang sila nakilala pero papanig ka na kaagad sa kanila? Bakit, may gusto ka ba kay Sierra? Inakit ka ba niya? Tell me, Lucien,” sunod- sunod na sabi ni Sienna na naging mas malakas na rin ang boses kay sa sa akin dahilan upang mapalabas na rin sina Mama. “Anong nangyayari? Bakit kayo nagsisigawan?” takang tanong ni Mama. “I’m tired of this. Ikaw na kumausap sa kanya Ma, If she is unable to have a child, perhaps we could work on improving her attitude.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น