SIERRA'S POV"Nao," tawag sa akin ni Voughn. Hinawakan niya ang aking kamay at marahan iyong pinisil. "Ano ka ba, okay lang ako. Kaya relax ka lang, " nakangiting sabi ko rito. Ipinatong ko naman ang aking isang kamay sa ibabaw ng kamay nito tanda na ayos lang ako. "Look who's here," boses ni Sienna. Napalapit na ito sa akin at nakatitig sa akin saka tinapunan ng tingin si Voughn."Hi, Voughn. I never thought I could see you here. Kamusta ka na? Antagal na natin hindi nagkita," nakangiting sabi nito kay Voughn."Guys, I'd like you to meet my childhood sweetheart. Voughn Arciaga, he's a medical technician," may pagmamalaking pakilala pa nito sa mga kaibigan nito. Sinadya pa nitong hindi ako pansinin at apakan ang aking paa. Hindi ko magawang umaray pero napapangiwi ako sa sakit dahil sa takong ang suot nito."Excuse me, Sienna. Nasasaktan mo si Naomi." Marahang tinulak ni Voughnsi Sienna at lumapit sa akin. Lumuhod pa ito sa harap ko at tiningnan ang aking paa. "Nao, are you okay?"
Terakhir Diperbarui : 2025-07-18 Baca selengkapnya