LUCIEN’S POVLumipas ang mga linggo..Halos dalawang linggong nawala si Sienna at nagpunta sa Italy para lang mamasyal. “Love, pwede mo ba akong samahan pumili ng susuotin ko? It’s for my Aunt’s wedding,” sabi nito, ilang araw pa lang pagkarating nito galing sa pamamasyal.“Aunt? Wala naman kapatid na babae si Dad, ah?” takang tanong ko.“It’s my mom’s sister. Ang akala ko magiging matandang dalaga na siya, eh. Imagine, naunahan ko pang makasal,” natatawang sabi nito.“The wedding will be held on Sunday. I wonder why they are holding the wedding here samantalang ang pagkakaalam ko ay sa Canada na siya nakatira,” dagdag pa nito.“Kasama niya kaya si Sierra? Wala na akong naging balita sa kanya,eh,” bulong pa nito na hindi nakaligtas sa aking pandinig.“Sierra? Who’s that?” “Ah, eh, She’s Tita Olivia’s adopted daughter. Hayaan mo na, baka wala siya roon. Ang pagkakaalam ko kasi busy iyon sa trabaho niya sa Canada,eh,” sagot nito. Naging malikot ang mga mata nito. Nang sumunod na araw
Last Updated : 2025-07-04 Read more