“GIVE me the latest report, Nyro,” sabi ni Zoren habang nakadikit sa tainga niya ang kanyang phone, kung saan kausap niya ang kaibigang si Nyro Halden na isang Chief of Police.“We’ve caught the person who put drugs in your wife’s drinks, bud. Good thing there’s CCTV at Virmillion’s bar, so we were able to quickly identify his identity,” paliwanag ni Nyro.“May nag-utos ba na gawin iyon sa asawa ko? What’s his motive?” tanong niyang muli.Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo mula sa pack na nasa ibabaw ng center table sa may patio kung nasaan siya.“Sabi niya, gustong-gusto niya raw kasi ang asawa mo. Wala raw siya sa tamang katinuan kaya noong nakita niya raw ang asawa mo na lasing at sumasayaw—he took advantage of it,” dagdag pa ni Nyro.“Damn it!” bulong ni Zoren sabay kuyom ng kamao, dahilan upang madurog ang hawak niyang sigarilyo.“Relax, dude. Paparusahan namin siya ng naaayon sa batas,” kalmadong sabi ni Nyro.
Last Updated : 2025-08-25 Read more