JokoKailangan ko ng mga kakampi, pero hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko. Gayunpaman, ng makita ko si Zac na masinsinang nakikipag-usap kay Diane, nagkaroon ako ng ideya. Ililibre ko ang pamangkin ko at kukumbinsihin siyang tulungan ako. Iyon ang plano ko. At dahil madaldal siya, sasabihin niya sa akin ang lahat ng alam niya at parang marami siyang alam.“Zac, sasama ka ba sa akin sa lunch?” tanong ko sa pamangkin ko, na ngumiti.“Syempre naman,” sagot niya.“Let’s go,” yaya ko sa kanya.“Bumalik ka sa opisina ng alas-dos, Mr. Ventoza. Hindi kita hihintayin!" babala ni Diane.“Yes, boss,” sabi ko, habang sumisipa sa ere na parang isang matampuhing teen-ager.Mahilig si Zac sa steak at fries, kaya dinala ko siya sa restaurant na naghahain ng pinakamasarap na karne sa city. Bribe ito para sa impormasyon na kailangan ko.“Tito, ang galing mo ngayon! Gustung-gusto ko ang lugar na ito!” tuwang-tuwa si Zac.“Good. Alam kong mahilig ka sa steak at fries, kaya kita dinala rito
Read more