Jackie“I think you should confront him.”’Yan ang sinabi sa akin ni Aileen kagabi at mula noon paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang linyang iyon. Tama siya. Sobrang nakatulong na nakipag-usap ako sa kanya—nakinig siya, inintindi ako, pinayuhan ako, pinunasan ang luha ko at pinaalala sa akin na malakas akong babae. Si Aileen, kahit maliit at bata pa, napakatalino at napaka–mature mag-isip.Plano ko talagang puntahan si Joko sa condo niya ngayong araw, pero nag-message si Mama na umuwi raw ako dahil may mahalaga siyang sasabihin sa akin. Pagdating ko, naghihintay na sila ni Tito Joey, may nakahandang napakagandang hapunan sa mesa.“Ano’ng meron? May espesyal bang okasyon?” tanong ko ng makita kong ang ayos ng lamesa ay parang pang–selebrasyon.“Napakaespesyal, Jackie,” sabi ni Tito Joey, sabay yakap sa akin.“Pwede ba akong maligo muna?” tanong ko, napansin ko rin ang ngiting hindi maalis sa labi ni Mama.“Syempre naman, anak,” sagot niya habang inaayos ang huling detalye sa hap
Read more