DianeMay gumugulo talaga sa akin ngayon.Simula kasi ng maghiwalay sina Isabelle at River, naging magulo ang lahat. Para kaming naglalakad sa bubog, lahat kami pilit inaayos ang buhay ng mga kaibigan namin at tinutulungan silang makatayo ulit. At ngayon, sa wakas, parang may pag-asa na ulit kina ang dalawa. Dalawang araw siyang parang bangkay sa bahay, pero ngayon nagpasya na siyang balikan si River at harapin ang lahat—at para sa akin, ang ganda ng hakbang na ’yon.Kaya dapat kampante na ako ngayon… pero hindi ako mapakali. May mali.Si Joko, ilang araw ng hindi maipinta. Palagi siyang tense, wala sa sarili, bihira sa opisina. Pinabayaan ko na lang siya kasi akala ko dahil lang ’yon sa tatay niya, pero habang tumatagal, pakiramdam ko hindi lang ’yon ang problema.Iba rin si Jackie. Sabi niya okay lang siya, todo kwento pa tungkol sa paglipat ng nanay niya at kung paanong maiiwan sa kanya ang apartment at sa opisina naman, siya ang sandalan ni Isabelle buong araw. Pero kahit anon
Read more