Nang makapag-usap sila ni Kiel ay parang nabunutan ng tinik si Selene. Ang bigat sa dibdib niya ay gumaan at lalo pa siyang napawi nang makita kung gaano kabilis bumalik sa sigla si Kiel. Kinabukasan nga ay para bang walang bakas ng lungkot ang bata. Mas aktibo ito, mas palabiro pa kay Zia at tuwing mababanggit ang salitang “Philippines” ay kumikislap ang mga mata nito na parang nakakita ng bituin.At ngayon, balik na naman si Selene sa dati niyang gawi. Pagkatapos niyang ayusin ang almusal, ihatid sa school si Kiel at asikasuhin si Zia ay agad siyang tumungo sa flower shop. Pagbukas niya ng pinto, bumungad agad ang amoy ng sariwang bulaklak. Ang halimuyak ng rosas, lavender, at lilies na humalo sa lamig ng aircon.Para kay Selene ay ito na nga yata ang pinakakumportable at pinaka-relaxing na lugar sa buong mundo.“Good morning, Miss Selene!” bati agad ni Ida na abala sa pag-aayos ng bouquet sa gilid ng counter.“Morning, Miss Selene!” sabat naman ni Freen mula sa likuran habang ha
Last Updated : 2025-09-10 Read more