Naging sobrang busy na si Selene pagdating nila sa Pilipinas, lalo na nang dumating na rin si Ida at Freen para sa gaganaping floral expo. Siya mismo ang nag-asikaso ng lahat mula sa hotel accommodation hanggang sa transport service ng dalawa. Gusto niya kasing maging magandang experience rin ito para kay Ida at Freen.Hindi man niya aminin, ramdam niya ang pressure. Ayaw niyang may sumablay, lalo pa’t malaking pagkakataon ito para maipakita ang ganda ng EZ Blooms sa mas malaking market.Sa mga araw na nagdaan bago ang mismong event, hindi na mapakali si Selene. Halos gabi-gabi siyang nasa laptop, kausap ang iba’t ibang coordinators para siguraduhin na magiging maayos ang lahat. Minsan, si Kiel pa mismo ang hahatak sa kanya sa kama para lang ipilit na matulog na rin siya.“Mommy, no more laptop. Sleep now, please,” reklamo ng bata habang yakap ang maliit nitong stuffed toy.Napatawa na lang si Selene at tinapik ang ulo ng anak. “Just a little more, baby. Promise, pagkatapos nito ma
Last Updated : 2025-09-27 Read more