“Philippines, here we come!!!” sigaw ni Kiel habang nagtatalon sa saya, kasabay ng masiglang pagtalon din ni Zia na mahigpit na nakahawak sa strap ng maliit nitong unicorn backpack.Napaawang ang labi ni Selene sa gulat sabay mabilis na tingin sa paligid. Maraming pasahero sa departure hall ang napalingon sa kanila, may ilan pa ngang napangiti sa kakulitan ng mga bata.“Shhh…” mahina ngunit mariin na saway ni Selene, sabay lapit at marahang hinila ang dalawa, “Anak, huwag kayong maingay, oh. Ang daming tao, baka mapagalitan tayo ng guard.”Napatigil sina Kiel at Zia. Nagkatinginan sila at sabay na nagpeace sign kay Selene kahit parehong nakabungisngis pa rin.“Sorry po, Mommy…”“Sowi, Mama…” Sabay na sabi ng dalawang bata, yumuko pa si Zia at umaktong parang sobrang lungkot niya.“Excited lang po kasi kami…” dagdag pa ni Kiel, nangingislap ang mga mata habang pinipigilan ang sariling mapatalon ulit.Napalambot ang ekspresyon ni Selene. Bumaba siya para magpantay ang tingin sa mga ba
Last Updated : 2025-09-19 Read more