"Gusto niyang hanapin ko kayo...ang pamilya niya, at sabihing namuhay sya sa m-maikling panahon. Sinubukan ko kahit pangalan at apelyido niya lang ang gamit ko." humugot sya ng malalim na hininga. "N-Nahirapan ako at ngayon ko lang nalaman dahil tanging yun lang ang alam nya, ang pangalan niya." Pumatak ang luha sa mga mata niya at sa tuwing pupunasan niya ito ay meron na namang susunod. Ramdam ko ang bawat sakit, lungkot at pangungulila sa bawat salitang binitawan niya, sa bawat boses na naririnig ko sa kanya. "Sobrang mahal ko ang Kuya mo, Chase, kaya ginawa k-ko lahat para...p-para mahanap kayong pamilya niya. At...ikaw lang pala ang magiging daan para magawa ko yun, Claire." Nanlalabo ang matang nagtagpo ang tingin naming dalawa at hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang damdaming nararamdaman ko ngayon! Hinarap nito si Joy. "Ngayon sa tingin mo, s-sa tingin mo...ate, ha! Sino ang dahilan?" tanong nito sa kapatid. Mapangutyang tiningnan nito si Joy. "Huwag kang magsalita na
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-07 อ่านเพิ่มเติม