Tahimik ang buong mansyon habang naglalakad si Tatiana sa pasilyo, yakap ang sarili. Gabing-gabi na, pero hindi pa rin siya makatulog. Ang lamig sa loob ng silid ay hindi galing sa aircon, kundi sa presensya ng lalaking kasama niyang natutulog gabi-gabi—ang kanyang asawa. Asawa. Isang salitang dati ay puno ng pag-asa at pangarap para sa kanya. Ngunit ngayon, tila isa na lamang itong titulo—walang laman, walang init, at walang saysay. Pumasok siya sa kusina at nagbuhos ng malamig na tubig. Napaupo siya sa upuan at tulala lang na nakatitig sa kawalan. Naalala niya ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Masaya, sweet, at maayos sila ng unang araw ng kasal. Akala niya, magpapatuloy ang ganung eksena. Ngunit nagkamali siya. Alec had changed, or perhaps, he had never truly been the man she thought he was. Kanina lang, pagkauwi ng lalaki mula sa trabaho, dire-diretso itong pumasok sa silid at ni hindi siya binati. Hindi siya tinanong kung kumain na ba siya, o kung kumusta ang araw niya.
Last Updated : 2025-08-02 Read more