Iniwan, ipinahiya, at tinrato lamang bilang isang “opsyon”—ganyan ang naging kapalaran ni Tatiana Angeles sa kamay ng lalaking minahal niya nang buo. Ngunit ang babaeng minsang nilugmok ay babangon… hindi para magmakaawa, kundi para singilin ang lahat ng nagpasakit sa kanya. Pagkalipas ng apat na taon, muling bumalik si Tatiana—hindi bilang asawang itinapon, kundi bilang isang makapangyarihang babae na handang bawiin ang dangal at kontrolin ang laro. Sa mundo ng negosyo, intriga, at lihim na paghihiganti… sino ngayon ang mananatiling nakatayo?
view more“Hay… ang gwapo niya talaga…” bulong ni Tatiana habang nakatingin sa larawang hawak-hawak niya. Hawak niya ang isang photo na kuha sa isang charity ball kung saan kasama ng ama ni Alec ang daddy ni Tatiana. Nasa likuran lang si Tatiana noon, pero kitang-kita sa litrato si Alec—naka-itim na tuxedo, matikas ang tindig, at matalim ang mga matang tila hindi marunong ngumiti sa kahit sino.
Ngunit sa mga mata ni Tatiana, ito ang mukhang pinakamaginoo, pinakamakisig, at pinakakaibig-ibig na lalaki sa mundo. Napangiti siya habang tinatapik ang pisngi ng larawan gamit ang hintuturo. “Good morning, Alec,” malambing niyang sabi, bago marahang inilapag ang frame sa ibabaw ng kanyang study desk. Walang araw na lumilipas na hindi niya ito binabati, parang ritual na niya iyon mula noong siya’y dose anyos pa lang. Ngayon, disi-sais na siya, at kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang damdamin niya para kay Alec Dela Vega—ang panganay na anak ng business partner ng Daddy niya, at ang lalaking naging laman ng lahat ng kanyang pangarap. “Tatiana! Baba na! May breakfast na!” sigaw ng Mommy niya mula sa kusina. “Coming po!” sagot niya at agad na inayos ang kama. Lumingon pa siya ulit sa larawan ni Alec bago tuluyang lumabas ng kwarto. “Sana magkausap na tayo soon… kahit isang hi lang,” bulong niya sa sarili, sabay buntong-hininga. Lumaki si Tatiana Angeles sa isang komportableng buhay. Hindi sobrang yaman, pero sapat para maibigay ng kanyang mga magulang ang lahat ng kailangan niya—magandang edukasyon, kumpletong gamit sa bahay, masasarap na pagkain, at higit sa lahat, pagmamahal. Nag-iisang anak siya, kaya’t bata pa lang ay binusog na siya sa atensyon at aruga. Ngunit sa kabila ng pagiging only child, hindi siya naging spoiled. Simple siyang dalaga, may mabuting puso, at marunong rumespeto. Isa sa pinakamalapit sa kanyang puso ay si Arian—ang matalik niyang kaibigan mula pa pagkabata. “Uy, Tatiana!” bungad ni Arian nang magkita sila sa school gate. “Ang aga mo naman ngayon. ‘Di ba usually late ka?” “Gusto ko lang makarating ng maaga,” sagot niya sabay ngiti. “Kasi?” tanong ni Arian na may halong kilig sa tono. “May balita ba akong hindi ko alam?” “Wala!” mabilis na tanggi ni Tatiana pero hindi niya napigilan ang pagtawa. “Hmm. Let me guess… nakita mo na naman si Alec sa news kagabi?” pang-aasar ni Arian habang naglalakad sila papasok sa campus. Tumango si Tatiana, “Business awards. Grabe, Arian, habang nagsasalita siya, para akong nanonood ng movie! Ang galing niya. Tapos ‘yung boses niya… ang lalim… ang sarap pakinggan.” “Tatiana, idol mo na siya. As in certified number one fan ka,” natatawang tugon ni Arian. “Hindi lang ako fan. Future wife,” sabay turo ni Tatiana sa dibdib niya. “Mark my words.” “Good luck, future Mrs. Dela Vega,” biro ni Arian, sabay yakap sa kanya. “Pero seriously, suportado kita kahit hanggang dulo. Alam kong hindi ito basta-bastang crush lang.” “Hindi talaga,” seryosong sagot ni Tatiana. “Alam kong totoo ‘to, Arian. Hindi ako makakaramdam ng ganito kung hindi siya ‘yung para sa akin.” Nagsimula ang paghanga ni Tatiana kay Alec noong minsang dumalaw ang pamilya Dela Vega sa bahay nila para sa isang business dinner. Labingdalawang taon pa lang siya noon at si Alec ay nasa kolehiyo na—matangkad, tahimik, at tila hindi siya pinapansin. Ngunit kahit isang tingin lang ang nakuha niya mula sa binata, tumatak na ito sa puso niya. Hindi na siya nakalimot. Hindi rin siya tumigil sa pangangarap. Mula sa simpleng pag-gupit ng litrato ni Alec mula sa newspaper, hanggang sa pagtatago ng mga magazine na may features tungkol sa kanya, ginawa na ni Tatiana ang lahat ng puwedeng gawin ng isang lihim na tagahanga. Ngunit sa puso niya, hindi siya basta fan. May inaasam siyang higit pa. Sa bawat kwento ni Arian tungkol sa mga kaklase nilang may boyfriend, si Tatiana ay tahimik lang. Hindi siya naiinggit, hindi rin niya nararamdamang kulang ang buhay niya. “Basta may Alec ako sa puso ko, okay na ako,” lagi niyang sinasabi. Ang imporatnte lang sa kaniya ngayon ay si Alec. Wala ng iba pa, si Alec lang ang nasa puso niya. Kahit siguro, magkasakit siya, si Alec ang una niyang hahanapin. Ganun niya kagusto si Alec, at wala ng iba pa. Hindi na nagbago ang pananaw niyang iyon para sa binata. “Pero paano kung may girlfriend na si Alec?” tanong ni Arian minsang nasa cafeteria sila. “Wala. Wala akong nababalitaan. At kahit meron… baka hindi sila para sa isa’t isa,” sagot ni Tatiana, mahina ang tinig pero buo ang loob. “Hindi ka ba napapagod? Kasi ako, kung ako ‘yung nasa kalagayan mo, baka sumuko na ako.” “Hindi, Arian. Kasi hindi ito basta paghanga lang. Parang… alam mo ‘yung pakiramdam na kahit hindi kayo nagkakausap, nararamdaman mong konektado kayo?” “Hindi,” sagot ni Arian, sabay tawa. “Pero gets ko na para sa’yo, si Alec na talaga.” Pagkauwi ni Tatiana mula sa eskwela, nadatnan niya ang Daddy niya sa sala, may kausap sa telepono. “Yes, yes. That’s good news. Tell Mr. Dela Vega we’ll be there.” Napatingin si Tatiana. “Daddy, si Mr. Dela Vega po ba ‘yun?” Tumango ang ama niya. “May business dinner tayo next week. Pumayag na silang makipagkita ulit. After all these years, finally!” Kumabog ang dibdib ni Tatiana. “Kasama po ba tayo?” “Oo naman, family dinner ‘yon. Bakit?” “Wala po,” sagot niya sabay ngiting hindi mapigilan. Muntik na siyang tumili sa tuwa. Buong linggo siyang hindi mapakali. Inayos niya ang sarili niya, inayos ang buhok, pumili ng damit na hindi masyadong halata pero eleganteng tingnan. Nirehearse niya rin sa salamin ang mga posibleng sabihin sakaling makaharap si Alec. “Hi Alec, long time no see…” “Hi, I’m Tatiana, anak ni Mr. Angeles…” “Hi, gusto mo ng kape?” “Tatiana!” sigaw ni Arian habang nasa phone. “Ulit ka nang ulit!” “Kailangan kong mag-prepare, Arian. First impression lasts!” “Hala ka, baka ma-stress ka na lang. Chill lang!” “Hindi puwede. Baka ito na ang simula ng love story namin.” Dumating ang araw ng hapunan. Suot ni Tatiana ang kulay peach na dress na bagay sa kutis niyang mestiza. Simple ang make-up, at mahaba ang buhok na inayos ng kaniyang ina. Paglabas niya ng kwarto, napatingin ang Daddy niya. “Wow. You look like a lady now,” sabi nito. Ngumiti si Tatiana. Pero sa loob-loob niya, iisa lang ang gusto niyang marinig: “You look beautiful,” mula sa mismong labi ni Alec Dela Vega. Habang nasa sasakyan, hindi niya mapigilan ang kaba. Kinakabahan siya, pero higit sa lahat, umaasa. Umaasa siyang sa wakas, mapapansin na siya ng lalaking minahal niya ng lihim sa mahabang panahon. At kung papalarin… baka ito na ang simula ng matagal na niyang pinapangarap—ang kwento ng isang pusong buong-buo niyang inalay… kay Alec. Pagdating nila sa harap ng isang mamahaling Italian restaurant, bumilis ang tibok ng puso ni Tatiana. Mula sa loob ng sasakyan, tanaw na niya ang logo ng paboritong restaurant ng Dela Vega family. Sa bawat hakbang niya papasok, para siyang lumulutang sa hangin. “Huwag kang kabahan, anak,” bulong ng kaniyang ina habang magkahawak sila ng kamay. Ngumiti si Tatiana kahit ang palad niya’y malamig. “Ito na. Makikita ko na siya ulit,” bulong niya sa kaniyang sarili. Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng receptionist at inihatid sa isang private dining room sa bandang likod. Bukas ang double doors, at sa loob ay naroon na ang pamilya Dela Vega—elegante, tahimik, at tila may sariling mundo. Pero hindi iyon ang mahalaga. Dahil nandoon siya. Si Alec. Nakatayo ito sa tabi ng ama, nakasuot ng dark navy blue na polo, bukas ang unang butones, at ang mga mata—bagaman abala sa pakikipag-usap—ay agad niyang nakilala. “Ang tagal kong hinintay ’to.” Muling bulong ni Tatiana sa sarili. “Ah, Mr. Angeles!” masiglang bati ni Don Ricardo Dela Vega, ama ni Alec. “Welcome, welcome!” Nagkamayan ang dalawa, at niyakap ni Don Ricardo ang Mommy ni Tatiana bilang pagbati. “And this must be… Tatiana?” bati ni Don Ricardo, na may ngiting malambing. Tumango si Tatiana at bahagyang yumuko. “Good evening po, Don Ricardo.” “Goodness, ang laki mo na pala. You were just a little girl back then!” Tawa ng matanda, sabay lingon sa likod niya. “Alec, come. Say hello.” At sa isang iglap, humarap si Alec. Napako ang tingin ni Tatiana sa kanya. Mas gumuwapo ito. Mas lalong tumalim ang mga mata, mas firm ang panga, at mas naging makapangyarihan ang aura. Pero hindi iyon ang tumagos sa kanya—kundi ang paraan ng pagtingin nito sa kanya, parang nagtataka, parang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “Tatiana,” sabi ni Alec, sabay abot ng kamay. “Hi,” sagot ni Tatiana, pilit na pinapakalma ang sarili. Inabot niya ang kamay ni Alec, at sa pagtama ng kanilang balat, tila may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Isang segundo lang iyon. Pero sapat para mapuno ng init ang kanyang pisngi. Ngumiti si Alec—isang maliit, pormal na ngiti. “Ang laki mo na nga.” Natawa si Tatiana. “Oo nga po. Matagal-tagal din po kasi simula nung huling beses tayong nagkita.” “Hmm,” tugon niya, sabay tayo muli. “Please, let’s sit.” Umupo sila sa mahabang table. Magkakatabi ang mga magulang, habang naupo si Tatiana sa tapat ni Alec. Halos hindi siya makakain. Kahit na three-course meal ang handa, para kay Tatiana, sapat na ang presensya ni Alec para mabusog siya. “Kumusta ang school mo, hija?” tanong ni Don Ricardo habang nagsasalin ng wine. “Okay naman po. I’m in senior high na po, ABM strand,” sagot niya. “ABM? That’s good. Business runs in your blood,” sabi ni Alec. Natigilan si Tatiana. “Sinagot niya ako. Si Alec, kinausap ako.” bulong niya sa isipan. “Ah… yes po,” sagot niya, pilit na hindi pinapakitang nanginginig ang tinig. “Gusto ko pong matutunan ang ginagawa nina Daddy.” “Magaling ‘yan si Tatiana,” sabat ng Mommy niya. “Very organized at responsable. Marunong ring makisama.” Tumango si Alec, pero hindi na muling nagsalita. Tahimik itong kumakain, paminsan-minsan lang sumasagot sa usapan ng mga magulang. Pero minsan, nasisilip ni Tatiana ang mga mata nitong parang nakamasid sa kanya. Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya o totoong may pakialam ito kahit kaunti. Habang kumakain sila ng dessert, nagtungo si Tatiana sa washroom. Nagpahinga siya saglit sa harap ng salamin. Huminga siya ng malalim. “Calm down, Tatiana. You’re doing great.” Paglabas niya sa hallway, nabigla siya nang may tumawag. “Tatiana.” Lumingon siya. Si Alec. Nakalabas din ito ng private room at hawak ang cellphone, pero ngayon ay nakatutok ang mga mata nito sa kanya. “Po?” tanong niya, hindi inaasahan ang biglaang pag-uusap. “Kumusta ka naman talaga?” tanong nito. “It’s been years.” “Okay naman po. I mean—okay lang. Ikaw po?” Napangiti si Alec ng kaunti. “Busy. Business keeps me in and out of the country. Pero mabuti naman.” Tumango si Tatiana. May katahimikang bumalot sa pagitan nila, pero hindi nakakailang—parang may sinasabi ang katahimikan na hindi maipaliwanag. “Hindi ka na ‘yung batang palaging nakasunod sa likod ng Daddy mo,” biro ni Alec. Namula si Tatiana. “Naalala mo po ‘yun?” “Of course,” sagot niya, bahagyang natawa. “You always hid behind him. Parang takot na takot ka sa akin.” “Hindi po takot… nahihiya lang,” mahina niyang tugon. Napatingin si Alec sa kanya nang mas matagal, mas malalim. “You’ve changed.” Hindi alam ni Tatiana kung anong ibig sabihin noon. Pero nang tumalikod si Alec para bumalik sa kwarto, iniwan siya nitong may kakaibang pakiramdam—para bang unti-unti nang nabubura ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Pag-uwi nila ng bahay, hindi makatulog si Tatiana. Paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Alec: “You’ve changed.” Ibig bang sabihin nun, napansin na siya nito? Binalikan niya ang bawat detalye ng dinner—ang ngiti nito, ang sulyap, ang usapan nila sa hallway. Hindi man ito romantic o malambing, sapat na iyon para maitanim sa kanyang puso ang bagong pag-asa. “Baka nga hindi na ako invisible…” ani Tatiana. At sa kaibuturan ng kanyang puso, isang panalangin ang bumalot. “Panginoon, kung siya talaga ang para sa akin… sana, ito na ang simula,” saad niya.Sa mga sumunod na araw matapos ang biglaang pagkikita nila ni Alec sa café, tila hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Tatiana. Parang sinulatan ng langit ang bawat araw niya ng kilig at bagong pag-asa. Habang abala siya sa paggawa ng mga initial design concepts para sa rest house, paminsan-minsan ay natutulala siya, iniisip ang mga sulyap, ngiti, at mga tanong ni Alec noong huling meeting nila. “Arian!” tawag ni Tatiana habang papasok sa kwarto ng matalik na kaibigan. “Whew! Mukhang masaya ang aura mo ngayon, ha,” nakangiting sabi ni Arian habang binubuksan ang isang bag ng snacks. “Hay nako, ‘di ko na alam kung paano ko itatago pa,” pabirong sagot ni Tatiana. “Alec. He’s… being so nice lately. Parang ang sweet niya. Parang… may something.” Napatawa si Arian at agad lumapit, kinurot ng bahagya ang pisngi ni Tatiana. “Sabi ko na nga ba eh. Noon pa lang, may pakiramdam na ako na hindi lang ikaw ang may lihim na pagtingin.” “Baliw ka talaga!” Nahihiyang sagot ni Tatiana, pero hindi mai
Ang araw ng graduation ay parang panaginip lang. Ang apat na taon na akala ni Tatiana ay hinding-hindi niya malalampasan, ngayo’y parte na lang ng kanyang nakaraan. Nasa bulwagan pa lang siya, hawak ang diploma, ngunit tila wala siya sa sarili. Ang lahat ay abala sa pagkuha ng litrato, yakapan, at iyakan. Si Arian ay abala rin kasama ang pamilya nito, kaya si Tatiana ay sandaling nanahimik sa isang gilid, hawak ang kanyang bouquet at nakatingin sa dami ng taong nagsasaya. Maya-maya, may malamig ngunit pamilyar na boses ang sumingit sa kanyang tahimik na sandali. “Congratulations, Tatiana.” Muntik na niyang mabitawan ang bulaklak. Paglingon niya—nandoon si Alec. Nakangiti, at sa kamay nito ay may hawak ring maliit na bouquet ng sunflower. Simpleng suot lang—white polo at dark jeans—pero parang model pa rin kung kumilos at ngumiti. “Alec…” mahinang sambit ni Tatiana. “Akala ko… akala ko hindi ka makakarating.” “Of course I would,” sagot nito, sabay abot ng bulaklak. “I told you,
Lumipas ang ilang taon. Sa wakas, college student na si Tatiana Angeles. Nakuha niya ang kursong Business Administration—hindi lang dahil iyon ang gusto ng Daddy niya, kundi dahil nais din niyang mas maintindihan ang mundo kung saan gumagalaw si Alec Dela Vega. Kung noon ay pangarap lamang ang makasunod sa yapak ng mga Dela Vega, ngayon ay unti-unti na niyang nilalapitan ang mundong iyon. Pero higit sa lahat—kahit hindi niya inaamin sa iba—ang bawat hakbang na ginagawa niya ay laging may halong pag-asa na balang araw, mas mapapalapit pa siya sa lalaking minahal niya ng tahimik sa napakahabang panahon. “College life, here we go!” sigaw ni Arian habang magkakapit-balikat silang naglalakad papasok sa university gates. Masayang-masaya silang dalawa, at mahahalata ang excitement sa kanilang mga mukha. Tila, matagala nang hinintay na tumuntong sila sa college. “Hindi ako makapaniwala na ito na ‘yon,” sabi ni Tatiana. “Tapos na tayo sa high school phase ng ‘daydream about Alec eve
Mabilis na lumipas ang mga buwan. Sa bawat araw na dumadaan, lalong tumitibay ang damdamin ni Tatiana para kay Alec Dela Vega. Matapos ang hapunang iyon, hindi na sila muling nagkita. Ngunit sapat na ang gabing iyon para magkaroon siya ng panibagong sigla. Isang sulyap. Isang pagngiti. Isang simpleng “You’ve changed”—at para kay Tatiana, iyon ay sapat nang patunay na may kaunting puwang siya sa alaala ng binata. Ngunit habang lumalalim ang kanyang nararamdaman, mas dumarami ring hadlang—at mas lumilinaw kung gaano kahirap makalapit sa isang lalaking sinasamba ng napakarami. “Uy, Tati!” tawag ni Arian habang hawak-hawak ang phone. “Trending na naman si Alec. May bagong business collab daw with international partners.” Tumabi si Tatiana sa kanya, tahimik na tiningnan ang litrato ni Alec sa screen. Suot nito ang isang dark grey suit, nakatayo sa podium na para bang siya ang hari ng mundo. May confidence, may tapang, at may gilas. Halos hindi siya kapani-paniwala. “Alam mo, parang hi
“Hay… ang gwapo niya talaga…” bulong ni Tatiana habang nakatingin sa larawang hawak-hawak niya. Hawak niya ang isang photo na kuha sa isang charity ball kung saan kasama ng ama ni Alec ang daddy ni Tatiana. Nasa likuran lang si Tatiana noon, pero kitang-kita sa litrato si Alec—naka-itim na tuxedo, matikas ang tindig, at matalim ang mga matang tila hindi marunong ngumiti sa kahit sino. Ngunit sa mga mata ni Tatiana, ito ang mukhang pinakamaginoo, pinakamakisig, at pinakakaibig-ibig na lalaki sa mundo. Napangiti siya habang tinatapik ang pisngi ng larawan gamit ang hintuturo. “Good morning, Alec,” malambing niyang sabi, bago marahang inilapag ang frame sa ibabaw ng kanyang study desk. Walang araw na lumilipas na hindi niya ito binabati, parang ritual na niya iyon mula noong siya’y dose anyos pa lang. Ngayon, disi-sais na siya, at kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang damdamin niya para kay Alec Dela Vega—ang panganay na anak ng business partner ng Daddy niya, at
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments