Ang tahimik ng umagang ‘yon sa mansyon. Kulay ginto ang sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana, tila ba walang namumuong bagyo sa puso ni Tatiana. Nasa dining hall siya, nakaupo sa dulong bahagi ng mahaba at mamahaling lamesa. Nakaayos ang almusal—fresh fruits, tinapay, at mainit na kape sa mamahaling tasa. Pero kahit gaano kasarap ang pagkain, hindi niya maibaling ang atensyon niya rito. Ang totoo, wala siyang gana. Mula sa itaas ng hagdan, narinig niya ang masayang tawanan. Dalawang boses. Isang pamilyar. Isang hindi inaasahan. “Ang aga mo namang bumisita, Arian,” bungad ni Alec mula sa hagdanan, may halakhak sa tinig. “Hindi ba’t ikaw ang nagsabi na miss mo na ako?” sagot ni Arian na sinadyang ipalakas ang boses. “At syempre, gusto ko ring mag-breakfast kasama ang taong espesyal.” Espesyal. Bawat salita’y parang kutsilyong tumatarak sa puso ni Tatiana habang pinagmamasdan ang pagbaba ng dalawa—na tila walang kasalanan. Si Alec, nakangiti. Si Arian, nak
Last Updated : 2025-08-17 Read more