Solace’s Point of ViewGrabe naman ‘tong batang ‘to! Straight to the point, walang halong bola. Sabagay, kahit din naman ako na ipapakilala sa hindi ko kilala ay hindi ko rin magugustuhan kaagad.“Don’t mind him,” Saad ni Taty sa akin at bumalik lang sa kaniyang upuan. Hinila naman ako ni Timy sa puwesto niya at pinakita ang mga laruang dinosaur niya. Iba’t-ibang sizes din ang laruan niya at magiliw niya itong ipinapakilala sa akin isa-isa.“Iwan muna kita riyan, kukunin ko lang meryenda nila.” Saad sa akin ni Lily kaya tumango lang ako.“Do you know that this Ankylosaurus has the strongest spine in the dino world?” Biglaang saad ni Timy sa akin. Walang palya ang pagsasalita sa Ingles nitong batang ito. Buti na lang talaga at nakapag-aral ako, medyo masasabayan ko pa siya. Pinapakinggan ko lang si Timy at hinahayaang magkwento ng kung ano-ano sa mga dinosaurs niya. Pasimple ko namang tinitignan si Teagan na abala lang sa pagtatapon ng mga bato sa kung saan.Dumating na ulit si Lily
Last Updated : 2025-07-22 Read more